Panawagan ng ating mga public teachers sa kanilang protesta, umento sa sahod

Panawagan ng ating mga public teachers sa kanilang protesta, umento sa sahod

-Patuloy na nanawagan ang ating mga guro sa mga pam-publikong paaralan na itaas na ang kanilang sahod

-Mahigit 350 public school sa sit-down protest na ito

-Hindi naman nagbigay ng reaksyon ang DedEf kaugnay ng protesta ng kanilang mga guro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Higit 350 mga guro mula sa mga pampublikong paaralan ang nakisali sa sit-down protest nitong Huwebes.

Ito'y bahagi ng pagkilos ng Alliance of Concerned Teachers na humihiling ng taas-sahod ng mga guro.

Hanggang P31,000, depende sa posisyon ng guro ang hiling ng mga ito.

Mas mababa umano sa poverty line ang kita ng mga guro kung kaya naman isa daw itong wake up call ayon kay ACT party-list secretary-general Benjamin Valbuena.

"Wala kaming option kung hindi ang mass concerted action," anito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Gusto nila gumawa kami ng milagro para itaas ang pagkatuto ng mga bata? Ang hirap noon eh kung ang estudyante mo ay napakarami at salat ka sa mga rekurso sa pagtuturo," pahayag ng isang guro sa 1 ulat ng ABS-CBN News.

Ipinaliwanag naman daw ng mga guro sa kanilang mga estudyante ang dahilan ng kanilang protesta. Ang ibang guro ay umupo lamang sa kanilang silid-aralan at hindi nagturo.

Wala namang reaksyon ang Department of Education tungkol sa protesta ng mga guro. Ngunit ayon kay Secretary Leonor Briones, inaasahan nilang magtuturo ang mga guro batay sa curriculum na ibinigay nila.

Nagbabala naman ang ACT na posibleng umabot sa pagliban ng mga guro sa kanilang mga klase ang kanilang protesta.

Source: ABS-CBN News

Itaas ang sahod! Patuloy na hiling ng ating mga guro
Photo source: ABS-CBN News
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

KAMI street challenge: We went to the streets of Manila to see whether Filipinos are willing to slap their friends for P200! The result of the experiment is extremely hilarious! How about you? Would you slap a friend to get money? You can also check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone