Palengke sa Valenzuela, maari nang bilhan kahit wala kang dalang "pera"

Palengke sa Valenzuela, maari nang bilhan kahit wala kang dalang "pera"

- Maari nang mamalengke ng 'cashless' sa New Marulas Public Market sa Valenzuela City

- Sa pamamagitan ng mobile application, i-scan lamang ang QR code at mababasa na rin ang halaga ng mga bibilhin

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang makabagong pamimili na ito na ang iba ay may gusto pa rin ang tradisyunal na paraan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinida ng Valenzuela city ang makabagong paraan ng pamimili ngayon sa kanilang palengke kung saan maari na silang mamalengke kahit walang dalang pera.

Sa New Marulas Public Market sa Valenzuela City, maaring cashless na ang payment sa inyong mga suki dahil sa mobile paying app na maaring ma-download.

Gamit ang inyong cellphone, i-scan lamang ang QR code ng tindahan at ilalagay na roon ng tindera ang halaga ng inyong pinamili.

Makatatanggap ng kumpirmasyon ang parehong mamimili at tindera kung magkano ang pinamili.

Tinatawag na touch pay station ang ganitong sistema kung saan pwedegn lagyan ng load ang account na magsisilbing pambayad sa mga pinamili.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Habang ang ilan natuwa sa makabagong paraan ng pamimili, ang ilan naman ay mas gusto pa ring gamitin ang tradisyunal na paraan.

"Parang istorbo lang sa amin, kukuha ka ng pera sa bangko pa. Pupunta pa kami 'dun. Eh kailangan mga 10 o 9 nasa pakyawan na kami ng umaga. 'Pag di kami nakarating ng ganung oras, wala na kaming maaabutang isda," ayon sa isang mamili.

Samantala, nagbibigay din ng insentibo ang mga gagamit ng app na ito gaya ng libreng bigas at maari ring makatanggap ng rebates ang gagamit nito.

Sunod nilang proyekto ang maaring paggami ng credit card sa naturang palengke.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates

Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates

Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel