Batang lalaki, inagaw ang eksena mula kay Pope Francis nang maglaro ito sa stage

Batang lalaki, inagaw ang eksena mula kay Pope Francis nang maglaro ito sa stage

- Agaw atensyon ang isang batang lalaki na umakyat na lamang sa stage habang nagsasalita ang Santo Papa

- Walang nakatinag sa bata maging ang kanyang ina na pinaliwanag na lamang sa Santo Papa ang sitwasyon

- Kalaunan ay ginawang ehemplo ang bata at nawa ay magsilbing inspirasyon daw ang ginawa nito sa mga tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di inaasahang pumanhik na lamang sa stage ang isang batang lalaking Argentinean sa Vatican habang nagsasalita ang si Pope Francis.

Ayon sa Hong Kong International Business Channel, di natinag ang bata sa pagpanhik sa marmol na entablado ng Vatican.

Nagtatakbo ang bata na nagawa pang kamayan ang isa samga guwardiya roon.

Imbis na sawayin, natuwa ang Santo Papa at sinabing hayaan na lamang ang bata roon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pinaliwanang rin ng ina na deaf and mute p di nakariring at di nakapagsasalita ang bata na siyang inunawa naman ng Santo Papa.

Patuloy pa rin ang paglalaro at pag-iikot ng bata sa entablado nang umakyat na rin ang nakababata niyang kapatid. Sinubukan nitong hilahin pababa ang kanyang kuya ngunit maging siya ay nabigo.

Nakuha pa tuloy ng Santo Papa na magbiro at sinabi niya sa kanyang private secretary na "He is Argentinean and unruly". Isa ring Argentinean ang Santo Papa kaya naman nagawa niyang sambitin ang birong iyon.

Sa huli, ginawang ehemplo ni Pope Francis ang batang lalaki na kahit di nakaririnig at di nakapagsasalita ay nagagawa pa rin nitong ihayag ang kanyang saloobin. Dahil daw dito, masasabi niyang "malaya" ang batang ito.

Sa kanilang pagdarasal, hiniling din ng Santo Papa na sana isang araw ay makapagsalita naman ang bata.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Today Is The Day! Wedding program nina Iza Calzado at Ben Wintle, pinakita

Today Is The Day! Wedding program nina Iza Calzado at Ben Wintle, pinakita

Today Is The Day! Wedding program nina Iza Calzado at Ben Wintle, pinakita
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel