Puno na ang salop! Mister, lima ang kabit, umiyak sa Tulfo para bigyan ni misis ng 'last chance'

Puno na ang salop! Mister, lima ang kabit, umiyak sa Tulfo para bigyan ni misis ng 'last chance'

- Isang misis ang nagreklamo kay Tulfo dahil sa pangangabit ni mister

- Nung unang pagkakataon na nahuli si mister, pinatawad pa siya ni misis

- Pero nasundan ang pangangaliwa at di na nakayanan ni misis kung kaya't sasampahan na ito ng kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang misis, si Mira Monterde, ang dumulog kay Raffy Tulfo dahil sa mister na may limang kabit.

Nalaman ng KAMI na sasampahan ni Mira ang mister na OFW na si Rembert Monterde ng kaso dahil sa pangangaliwa.

Si Rembert naman ay kinausap nung una ni Tulfo sa telepono, at ito'y umiiyak na humihingi ng last chance kay misis.

Minabuting umuwi si mister para makaharap si misis, at sinabi rin ni misis na mabuti na rin makuwi siya para maharap ang kaso niya.

Ayon sa kuwento ni misis, sa unang pagkakataon na nahuli niya si mister ay pinatawad niya ito.

Kaya lang, hindi nadala si mister at nasundan ang pangangaliwa nang ilan pang beses.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi nga ni misis, hinabaan niya nang husto ang pasensiya niya at inallow niya si mister na mambabae, pero bayaran lang.

Abot hanggang sukdulan na ang sakripisyo niya pero ang pinakamalala sa lahat ay nung Christmas, ang tatlong anak ng babae niya ay may mga regalo.

Pero sa kanila ng anak niya, wala. Di nakapagbigay ng pera at kinailangan pa niyang manghiram para man lang may mabili na regalo sa anak dahil naubos na ang pera niya.

Sabi ni Mira, yung kanilang anak na lang ang pinanghahawakan niya pero pati bata ay dinamay.

Ayon naman kay mister, hirap daw kasi ang sitwasyon sa Saudi, gutom, lungkot, at lahat ng nasa palibot ay ganun ang ginagawa (pangangaliwa).

Dagdag pa niya, hindi rin daw siya tinulungan ni misis na magbago.

Pero kahit anong iyak niya at explain niya, sa sobrang sakit na dinanas ni misis, di na mabago isip niya.

Panoorin ang kanilang pagtatalo, pag-uusap sa ibaba.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
It's Showtime host Karylle, nag-wild dance daw sa pre-wedding party ni Iza Calzado

It's Showtime host Karylle, nag-wild dance daw sa pre-wedding party ni Iza Calzado

It's Showtime host Karylle, nag-wild dance daw sa pre-wedding party ni Iza Calzado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel