Mapaglarong tadhana! Dating magkaribal, magkasintahan na ngayon

Mapaglarong tadhana! Dating magkaribal, magkasintahan na ngayon

-Isa sa mga istoryang natampok sa ASAP TLC ang kwentong pag-ibig nila Marck Magpantay at Kat Malabag

-Ang kakaiba sa kanilang istorya, dati silang magkaribal sa pag-aaral

-Pagkatapos ng ilang taon nagkaroon ng ibang spark ang kanilang pagtitinginan, ang dating karibal, minamahal na ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa ASAP TLC, itinampok ang istorya ng magkasintahang Marck Magpantay at Kat Malabag na dati daw magkaribal sa pag-aaral!

Kwento nila, dati silang magkatunggali pag dating sa pag-aaral noong sila ay mga bata pa.

"Lagi kaming magkalaban sa top of the class. Ako lagi 'yong best in science, siya naman 'yong best in math," ani Kat.

"Lagi kaming nagko-compare ng grades. Siyempre top one siya, top two naman ako," kwento naman ni Marck.

Umabot pa raw sila sa punto na inihampas ni Kat ang isang file case kay Marck.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Nagpapansin kasi 'yan kasi ngayon alam ko na kung bakit, kasi crush pala niya ako [simula] noong grade one," kwento ni Kat.

Sa huli, si Kat pa rin ang naging valedictorian noong elementary. Hindi na sila nagkita pagkatapos nito.

Sa 1 batch reunion makalipas ang 11 taon nagkita silang dalawa. Nilapitan daw ni Marck si Kat at hiningi ang number niya.

Ngunit dahil may nobyo siya ng mga panahon na 'yun nabalewala ang effort nito.

Marahil dahil na rin sa sila ang nakatadhana, nagkahiwalay si Kat at ang noon ay nobyo niya.

Doon na daw kumilos si Marck at ipinagpaalam pa ang pangliligaw sa ate ni Kat.

June 2018 nang pormal na maging magkasintahan ang 2.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

KAMI street challenge: We went to the streets of Manila to see whether Filipinos are willing to slap their friends for P200! The result of the experiment is extremely hilarious! How about you? Would you slap a friend to get money? You can also check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Today Is The Day! Wedding program nina Iza Calzado at Ben Wintle, pinakita

Today Is The Day! Wedding program nina Iza Calzado at Ben Wintle, pinakita

Today Is The Day! Wedding program nina Iza Calzado at Ben Wintle, pinakita
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel