Maid na binubungangaan ng biyenan ng amo, tinangkang lasunin ito

Maid na binubungangaan ng biyenan ng amo, tinangkang lasunin ito

-Sa pamamagitan ng disinfectant, tinangka umanong lasunin ng isang kasambahay ang biyenan ng kanyang amo

-Ayon dito, pagod na ito sa palaging pagbubunganga nito sa kanya kung kaya naman nagawa niya ito

-Kahit pa itinanggi ito ng kasambahay noong una ay agad naman itong nabuko sa ginawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsasawa at pagod na daw ang kasambahay na si Mya Thet Wai sa pagbubunganga sa kanya ng biyenan ng kanyang amo.

Kaya naman sa pamamagitan ng disinfectant ay tinangka niya itong lasunin.

Ayon sa report, isang araw ay naghanda ang biktima ng isang cereal drink at tsaka itinabi sa refrigerator bago inasikaso ang apo nito para pakainin.

Habang abala umano ang biktima ay tsaka naman kumilos si Mya Thet Wai upang lagyan ng disinfectant ang inumin nito.

Maya-maya'y tinawag siya nito upang bantayan ang apo nito at kumain. Habang kumakain ay ininom nito ang cereal drink na may disinfectant.

Maid na binubungangaan ng biyenan ng amo, tinangkang lasunin ito

Photo source: Serious eats / For illustration purposes only
Source: Facebook

Agad naman nitong nalasahan kaya agad na iniluwa ang nainom. Agad naman siya nitong pinagbintangan ngunit itinanggi niya ang ginawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit dahil sa CCTV ay nabuko ang kanyang ginawa. Wala itong nagawa kundi aminin ito. Inamin rin niya na kaya niya ito nagawa ay dahil sa pagbubunganga ng ginang sa kanya at dahil ayaw na niyang magtrabaho para sa pamilya.

Dagdag pa nito, inisip daw niya na kapag nagawa niya ito ay agad siyang pabalikin sa kanilang bansa.

Ngunit ayon sa batas, nasentensyahan siya ng 5 buwang pagkakakulong sa kanyang nagawa.

Maid na binubungangaan ng biyenan ng amo, tinangkang lasunin ito

Photo source: The Asianparent
Source: Facebook

Source: The Asianparent

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

KAMI street challenge: We went to the streets of Manila to see whether Filipinos are willing to slap their friends for P200! The result of the experiment is extremely hilarious! How about you? Would you slap a friend to get money? You can also check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel