Fake friends! Ai-Ai delas Alas, may saloobin tungkol sa mga kaibigang nang-iiwan pagkatapos ng 'blockbuster'

Fake friends! Ai-Ai delas Alas, may saloobin tungkol sa mga kaibigang nang-iiwan pagkatapos ng 'blockbuster'

- Hindi naiwasang magbigay ng saloobin ni Ai-Ai tungkol sa mga klase ng kaibigan

- Nag-post siya tungkol sa mga fake friends na nangiiwan sayo sa dilim

- Kinumpara niya ito nung nahospital siya after ng blockbuster na Tanging Ina at sa ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isinugod si Ai-Ai delas Alas sa ospital kamakailan lang sa di pa nakukumpirmang sakit.

Naiulat sa KAMI na ang tanging sabi ni Ai-Ai sa caption ng IG post niya ay gagaling siya.

Pagkatapos ng post niya ng photos na nagpapakita na naka-dextrose siya, di maiwasan ng komedyante na mag-post tungkol sa "fake friends."

Ayon sa post niya, "Fake friends are like shadows. They follow you in the sun but leave you in the dark."

Makikita sa caption ni Ai-Ai na ang nasabing quote ay nagpaalala sa kanya nung time na pumatok ang "Tanging Ina."

Naospital din daw siya noon pero yung hospital room niya ay napuno ng flowers and fruits na parang sumakabilang buhay na daw siya.

Ngayon daw, mabibilang mo na lang yung mga taong totoong nagmamahal sayo.

Di raw siya nagrereklamo, natatawa lang siya sa buhay.

Dagdag pa niya, siguro daw kapag naging blockbuster and Sons and Feelinials, dadami naman daw friends at flowers niya.

Eto ang buong pahayag ni Ai-Ai.

"Maganda to ... totoong totoo .. naalala ko and natatawa ako sa buhay ..after tanging ina ( thank you star cinema ) pag na hospitalize ako noon kasi madalas ako hikain kasi hindi pa ko organic food grabe punong puno ang room ko ng flowers and fruits para sumakabilang buhay nako haha ... ngayun bilang mo nalang mga totoong nagmamahal nalang ang nag papadala ng flowers ( hindi ako nag rereklamo narealize ko lang ang buhay ay nakakatawa )-- sigurado ko pag blockbuster ang SONS and FEELINIALS ( coming soon)which i claim napakadami ko na namang friends and flowers #trotoflife #buhayshowbiz"

Pinost din ni Ai-Ai ang mga bulaklak na pinadala sa kanya ni Tito Boy Abunda.

Ai-Ai delas Alas is a Filipina actress who gained fame for her comedy roles

She is married to Gerald Sibayan and is also a Papal Awardee.

POPULAR: Read more about Ai-Ai delas Alas

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng malakas na halakhak ni Yen Santos dahil sa kanyang joke, viral sa social media

Video ng malakas na halakhak ni Yen Santos dahil sa kanyang joke, viral sa social media

Video ng malakas na halakhak ni Yen Santos dahil sa kanyang joke, viral sa social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel