Catriona Gray, pinagkaguluhan sa kaniyang pagdating sa Thailand para sa Miss Universe

Catriona Gray, pinagkaguluhan sa kaniyang pagdating sa Thailand para sa Miss Universe

- Nakarating na sa bansang Thailand ang beauty queen na si Catriona Gray

- Nakatakdang lumaban ang Pinay sa inaabangang Miss Universe sa December 17

- Napansin naman ng marami ang kasuotan ni Catriona na Thai-inspired

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi magkamayaw ang mga taga-suporta ni Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray nang makarating na ito sa wakas sa bansang Thailand para sa nalalapit na Miss Universe.

Nalaman ng KAMI na hindi mabilang ang mga sumalubong sa pambato ng Pilipinas at pila-pila din ang gustong magpa-litrato kasama ang beauty queen.

Pagdating sa airport, nagpaunlak ng isang maikling interview si Catriona sa press at sinabi nitong excited na siya para sa nalalapit na kompetisyon.

Mas nananaig din daw ang pakiramdam na makakakilala siya ng mga bagong kaibigan kaysa sa kaba na dulot ng Miss Universe pageant.

“You guys make this all worth it and I love being able to represent you. I hope to make you all proud!” pahayag ng pinag-uusapang beauty queen.

“I’m just excited. Really I am just excited for the new experience, to see who my roommate is, to meet the girls…” dagdag pa niya.

Bukod sa mainit na pagsalubong sa pambato ng Pilipinas sa Bangkok, napansin din ng maraming fans ang kasuotan ni Catriona.

Isang Thai-inspired jumpsuit kasi na idinisenyo ni Anthony Ramirez ang ibinida nito sa kaniyang pagtapak sa teritoryo ng Thailand.

Nangibabaw din ang suot na hikaw ng dating Miss World finalist dahil sa disenyo nitong mala- ornamental shell na galing naman sa Vida Lim jewelry.

“Miss Universe season na! Masyadong ginalingan ni Catriona ang departure outfit! Sawasdee ka Thailand!” komento ng isang social media user.

Isang netizen naman ang nagbigay ng kaunting kaalaman para sa publiko tungkol sa naging suot ni Catriona.

Noong 2016 din kasi ay Barong Tagalog ang isinuot ni Miss Thailand Chalita Suansane nang dumating ito sa Pilipinas na host naman ng prestigious pageant.

“Way back Miss Universe 2016, Chalita Suansane from Thailand wearing Barong Tagalog when she [arrived] here in the Philippines,” pahayag ng netizen.

“And now 2018, Catriona Gray wearing Thai dress by Thailand Tradition. pak! A great way to make a statement and gather more love and support from the locals!” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bago pa gawin ang ilang mga importanteng bagay sa Thailand, nakuha pa ni Catriona na mag request ng group picture mula sa kaniyang mga dans na sumalubong sa airport.

Mayroon ding inorganize na pila para sa mga gustong makipag-“selfie” sa Pinay beauty queen.

Narito ang video:

Sa nakaraang ulat ng KAMI, ipinasilip ni Catriona sa publiko ang kaniyang tinaguriang “Lava Walk” na gagamitin sa Miss Universe 2018.

Si Catriona ay isang Filipino-Australian na aktres at beauty queen na isinilang noong January 6, 1994. Sasabak siya sa pinakamalaking pageant sa buong universe sa December 17.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Let's Play: Pera or Bayong? We are again catching Filipinos and suggesting them to choose: they can either take money or the unknown present (native bag). What would you choose without knowing what's inside the bag? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss International 2013 titleholder Bea Rose Santiago, reveals she needs a life-saving transplant

Miss International 2013 titleholder Bea Rose Santiago, reveals she needs a life-saving transplant

Miss International 2013 titleholder Bea Rose Santiago, reveals she needs a life-saving transplant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel