Hamilton Queen! Rachelle Ann Go, nanalong best actress sa BroadwayWorld UK

Hamilton Queen! Rachelle Ann Go, nanalong best actress sa BroadwayWorld UK

- Good news para sa lahat ng Pinoy, lalong lalo na sa mga fans at Kapamilya ni Rachelle Ann Go dahil nakuha lang naman ni Shin ang Best Actress in a New Production sa BroadwayWorld UK

- Nasungkit nga ng isa sa ating mga pambatong international musical theater actresses na si Rachelle ang naturang prestihiyosong award para sa kanyang natatanging pagganap sa Hamilton

- Inanunsyo umano ito ng mismong award-giving body noong Miyerkules, November 28, 2018, at ibinahagi ito ni Rachelle Ann Go sa kanyang Twitter

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kakaproud naman talaga na malaman na inuwi ni Rachelle Ann Go o mas kilala ng kanyang mga tagahanga, close friends, at Kapamilya at Kapuso bilang si Shin, ang isang prestihiyosong award.

Napag-alaman ng KAMI na lutang na lutang ang natatanging pagganap ng ating international musical theater actress na si Rachelle Ann Go sa musical prod na Hamilton.

Sa katunayan, pansin na pansin ito ng BroadwayWorld UK, at iginawad sa kanay ang Best Actress in a New Production of a Musical.

Ito ay inanunsyo ng naturang award-giving body sa kanilang official Twitter account.

Ani pa sa kanilang tweet:

" @gorachelleann for Best Actor / Best Actress"

At itong parangal na ito ay para sa kanyang pagganap bilang si Eliza Schuyler sa West End production na Hamilton ni Lin Manuel Miranda.

Kaya naman bonggang pasasalamat ang ginawa ni Shin sa kanyang pagretweet sa magandang sorpresang ito para sa kanya.

Tweet pa ni Rachelle Ann Go:

“Thank you everyone!!! thank you @BroadwayWorldUK"

Inuwi rin ng Hamilton ang Best New Production of a Musical at ang Best Actor in a New Production na nasungkti naman ni Giles Terera para sa kanyang papel na Aaron Burr.

Nakuha naman ni Jason Pennycoke ang Best Supporting Actor in a New Production of a Musical para sa kanyang papel bilang si Thomas Jefferson, sa nasabing musical production.

Congratulations Rachelle Ann Go!

Ayon pa sa balita ng entertainmetn section ng Inquirer.net, sumali daw si Rachelle Ann Go sa West End Production para sa acclaimed hip-hop musical noong January 2017 kasama pa ang ibang mga Pinay na sina Christine Allado, na gumaganap bilang si Peggy Schuyler, at Maria Reynolds.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions on ‘What Color Is This Word?’ and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss International 2013 titleholder Bea Rose Santiago, reveals she needs a life-saving transplant

Miss International 2013 titleholder Bea Rose Santiago, reveals she needs a life-saving transplant

Miss International 2013 titleholder Bea Rose Santiago, reveals she needs a life-saving transplant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel