Babala! Mag-ingat sa bagong modus na "pitas gang"

Babala! Mag-ingat sa bagong modus na "pitas gang"

- Nagbigay babala ang awtoridad sa bagong modus ngayong kapaskuhan ang "pitas gagng"

- isang uri ito ng pag-snatch ng cellphone ng mga riding in tandem

- Nahuli ang isang suspek sa paggawa nito na dating snatcher ng alahas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ngayong panahon ng kapaskuhan, pinag-iingat lalo ng mga awtoridad ang publiko sa bagong modus na tinatawag na "pitas gang."

Ayon sa ulat ng GMA news, isa raw itong uri ng pag-snatch ng cellphone kung saan ang mga suspek ay nakasakay sa motor o "riding-in-tandem".

Huli sa video kung paano ito naisagawa sa Barangay Bagong Lipunan sa Quezon City kung saan ang isang babae na naglalakad ay bigla na lamang inagawan o "pinitasan" ng cellphone ng mgasuspek na naka-motor.

Ito ay pareho ng kaso na naganao sa Quiapo kung saan tinangkang hablutin din ang cellphone ng isang pedestrian. Alisto ang biktima at agad nitong naiiwas ang kamay kaya nabigo ang riding-in-tandem.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman paalala ng awtoridad, huwag ilabas ang cellphone na hinahalintulad nila sa prutas na hinog na at baka mapitas ng mga snatcher.

"'Yung motive wala tayong magagawa 'dun mag-aabang ang kriminal, ta-timing pero ang oportunidad 'pag napaliit natin 'yun, mahihirapan sila. 'Yun ang dapat nating gawin," pahayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar.

Ayon kay Jestoni Tributo na dating snatcher sa Cubao, mas madali para sa kanila ang mamitas lalo na kung trafik kung saan nakalabas halos lahat ang cellphone ng mga tao na nagpapatay ng inip.

Gayundin pag trafik, mas madali raw manghablot ng alahas sa mga nakahintong sasakyan.

"'Pag nagkakatrapik na lang, ilagay na lang nila 'yung cellphone sa tamang lagayan, wag na lang pakita sa tao na tumatawag sila dapat 'yung sakto lang talaga kasi minsan nakaka-ano rin sa mata ng tao 'yan... sa katulad namin na gumagawa ng ganyan siyempre nakakapag-isip kami ng masama kukunin namin nang kukunin 'yan," payo pa ng aminadong snatcher.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica