Hinatulang ‘guilty’ ang mga pulis na pumaslang diumano kay Kian delos Santos

Hinatulang ‘guilty’ ang mga pulis na pumaslang diumano kay Kian delos Santos

- Matapos ang isang taon ay hinatulang guilty na ang mga pulis na nasangkot sa pagkamatay ni Kian delos Santos

- Pinatawan din sila ng reclusion perpetua o pagkakakulong sa loob ng 20 to 40 years na walang parole

- Si Kian ay isa sa mga naging biktima ng extrajudicial killings sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon sa isang regional trial court (RTC) sa Caloocan City ay “guilty” ang tatlong pulis na nag-murder sa isang menor de edad na si Kian delos Santos na sangkot diumano sa ilegal na droga. Nalaman ng KAMI na pinatawan daw ng reclusion perpetua ang mga pulis o pagkakakulong ng 20 hanggang 40 years na walang parole ayon sa Rappler.

Base rin sa report ay kinonvict ni Judge Rodolfo Azucena Jr. sina Police Officer 3 Arnel Oares, Police Officer 1 Jeremias Pereda at Police Officer 1 Jerwin Cruz.

“The use of unnecessary force or wanton violence is not justified when the fulfilment of their duty as law enforcers can be effected otherwise. A shoot first, think later attitude can never be countenanced in a civilized society,” giit ni Judge Azucena.

Matapos hatulang guilty ay ipinagbabayad din ang mga pulis sa pamilya Delos Santos ng P345,000 para sa lahat ng damages.

Samantala, sa ulat naman ng GMA News ay hindi naman daw guilty ang mga pulis sa pagtatanim ng anumang armas o droga noon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Noong nakaraang taon ay nabaril si Kian, isang 17-year-old, dahil sangkot daw ito sa ilegal na droga, sabi ng mga pulis ay nanlaban daw ito. Subalit, kita naman sa isang CCTV footage at ayon na rin sa mga witness ay hinila raw si Kian sa isang madilim na eskenita kung saan siya binaril. Ang depensa naman ng mga pulis, hindi raw si Kian ang bata sa CCTV video.

Dating naiulat ng KAMI na nais isulong ni Senator Risa Hontiveros na ideklara bilang National Day of Remembrance ang August 16 upang i-commemorate ang pagpanaw ni Kian at ng iba pang biktima ng extrajudicial killings dahil sa diumano’y “war on drugs” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

KAMI street challenge: We went to the streets of Manila to see whether Filipinos are willing to slap their friends for P200! The result of the experiment is extremely hilarious! How about you? Would you slap a friend to get money? You can also check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates

Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates

Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel