Batang alam ang 16 language, instant sikat at makakapag-aral ng libre

Batang alam ang 16 language, instant sikat at makakapag-aral ng libre

-Isa ka na rin marahil sa taga-hanga ng batang ito matapos niyang sumikat online dahil sa kanyang angking talino

-Si Salik ang 14 taong gulang na Cambodian internet sensation na ngayon! Nakuhanan siya ng video habang nagbebenta ng kanyang mga paninda at gumagamit ng iba't-ibang lengwahe

-Dahil dito, isang magandang kapalaran ang nahihintay sa kanya, isang businessman ang tutulong sa kanya para makapag-aral ng libre pati na ang kanyang kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Instant sikat ang batang Cambodian na si Salik, 14 taong gulang matapos niyang makuhanan ng video habang gumagamit ng iba't-ibang lengwahe.

Dahil sa video na ito, agad siyang nag-viral at nakilala ng maraming tao! Marami nang mga tao ang nais na magpakuha ng litrato kasama siya.

Pagkatapos niyang makilala online, isang television show sa Cambodia ang nag-imbita sa kanya upang magpasaya ng mga audience nito.

Agad rin siyang sumikat sa China at naimbitahan pa sa doon upang mag-guest sa isang China television show. Sa ngayon, patuloy pa rin ang negosasyon kaugnay nito.

Nais umano ni Salik na isama ang kanyang ama sa China at pati na rin ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki.

At ang pinakamagandang naidulot ng kanyang biglaang sikat ay ang alok ng 1 negosyanteng Cambodian na ayaw magpakilala na libreng pagpapaaral sa kanya at sa kanyang kapatid.

Maging ang paglipat nila sa Phnom Penh, siyudad sa bansa ay sagot na rin ng negosyante para sa mas maginhawang pamumuhay roon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon kay Salik, hindi daw niya alam na kinukuhanan siya ng video ng turista. Hindi rin niya alam na siya ay sikat na hanggang sa isang tuk tuk driver ang nagsabi sa kanya na ang video niya ay kumalat na online.

16 na lengawahe ang natutunan niya mula sa mga turista kabilang ang Mandarin, Russian, Vietnamese, Korean, Japanese, German, Thai, Spanish at maging Tagalog!

Maging ang kanyang nakababatang kapatid na si Thuch Tithya, 11-anyos ay alam rin ang iba't-ibang lengwahe.

Samantala, ang ina ni Salik naman ay masayang-masaya para sa kanyang anak, ayon dito, hindi niya alam na alam nito ang iba't-ibang lengwahe.

Source: SCMP, Youtube

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

KAMI street challenge: We went to the streets of Manila to see whether Filipinos are willing to slap their friends for P200! The result of the experiment is extremely hilarious! How about you? Would you slap a friend to get money? You can also check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Thai fans’ cute & endearing nickname for Catriona Gray unveiled in an interview

Thai fans’ cute & endearing nickname for Catriona Gray unveiled in an interview

Thai fans’ cute & endearing nickname for Catriona Gray unveiled in an interview
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel