Nakakaiyak ang kanyang istorya! LET topnotcher pinilit makalagpas sa kahirapan

Nakakaiyak ang kanyang istorya! LET topnotcher pinilit makalagpas sa kahirapan

-Mula sa isang mahirap na pamilya ang top 2 sa nakaraang Licensure Exam for Teachers (LET) na si Iah Seraspi

-Dahil sa kanyang angking talino at pagpupursige, may mga taong nakakita sa kanyang talento na isa sa kanyang pinasasalamatan

-May payo si Seraspi sa mga taong katulad niya na laki sa kahirapan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mula sa isang mahirap na pamilya si Iah Seraspi sa Romblon. Ang kanyang ama ay isang mangingisda at ang ina ay isang housewife.

Panganay si Iah sa kanilang magkakapatid.

Sa isang interview sa ABS-CBN News, ibinahagi ni Iah ang kanyang buhay upang magsilbing isnpirasyon sa lahat.

Kwento ni Iah, bata pa lamang siya ay tinaggap na niya ang kanyang kapalaran.

"I accepted my situation—that if I just kept on complaining, nothing would ever change, we will remain poor." anito sa panayam. "Instead of complaining, I viewed poverty as a self-imposed challenge."

Madalas daw na hindi siya nakakakain ng maayos na pagkain. Maswerte na raw kung makapag-uwi ang kanyang ama ng P100 na kita sa pangingisda.

Kaya naman nagagawa nilang kumain ng kanin na ang ulam ay asin o kapag maayos ang kita ay instant noodles.

Bukod rito, wala rin silang kuryente sa bahay kung kaya naman pinagkakasya niya ang sarili sa liwanag na dala ng apoy upang makapag-aral.

Ngunit hindi ito naging dahilan para panghinaan siya ng loob upang mag-aral at pagbutihin ito. Ayon sa kanya, naisip niyang kailangan siyang matuto at mag-aral upang maiahon niya ang pamilya sa kahirapan.

Dahil sa kanyang pagpupursige, nagtapos siya na valedictorian noong high school. Ngunit nanganganib pa rin ang kanyang kapalaran kung makakatapak siya sa kolehiyo.

Isa sa kanyang guro ang nakakita ng ng kanyang potensyal at inilapit ang kanyang kalagayan kay Kristoffer Esquejo ng Ernesto Esquejo Scholarship Foundation.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ibinahagi naman ni Esquejo ang tungkol dito sa kanyang kapatid na si Debbie.

Kwento ni Debbie na isa nang nurse sa ibang bansa ngayon, unang kita pa lamang niya kay Iah ay nakitaan niya na ito ng determinasyong makapag-aral.

Kung kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip na tulungan ito. Ayon dito, kahit pa scholar ito ng gobyerno ay kakailanganin pa rin nito ng tulong.

Dahil dito, nakakita ng pag-asa si Iah. Kumuha siya ng Bachelor of Science in Education (BSED), major in Biological Science sa Romblon State University.

Sa mga panahong ito kinailangan ni Iah na mag-boarding house sa Odiongan malayo sa kanyang pamilya.

Kapag nangangailangan siya ng extrang pera para sa mga kailangan sa school, si Debbie ang kanyang takbuhan.

Ngunit si Iah, nagawa pa ring magtipid. Binibili lamang niya ang mga librong kailangan o required na bilhin.

Ginamit niya ang angking galing sa pakikinig at comprehension upang matandaan ang mga aralin.

Pinatunayan niya ang kanyang natural na husay at talino nang magtapos bilang cumlaude noong 2015.

Pagkatapos nito ay agad siyang nagpatuloy upang magreview sa Carl Balita Review Center.

"My schedule in the review center was 5 p.m. to 8 p.m. I would go home and continue reading my review materials. I would sleep from 2 a.m. until around 4 a.m. and read again the whole day."aniya.

Dumating ang araw na para sa LET at unang beses niya itong kukuhanin.

Inamin din ni Iah na ilang araw bago lumabas ang resulta ng exam aykinabahan din siya at bumaba ang kumpiyansa sa sarili.

"I was thinking, is it really possible to compete with students from the prestigious schools?"

Nang araw na malaman niya ang resulta ay kasama niya ang kanyang magulang at sila ay simbahan.

At nang ibalita ng Carl ang magandang balita na siya ay top 2 sa board exam!

Agad siyang niyakap ng mga magulang. maging ang mga ito ay masayang-masaya para sa kanya.

Agad ding nakarating kay Debbie ang balita nang itext dito ng kapatid ang magandang balita. Wala daw siyang nagawa kundi ang mapaupo at maiyak sa tuwa.

Ngunit hindi rito natapos ang pagpupursige ni Iah dahil kukuha ipagpapatuloy niya ang kanyang masters and doctoral degrees.

Bukod rito ay magtuturo siya sa kanyang alma mater at magiging national reviewer sa Carl Balita Review Center.

Ayon sa kanya, ang una niyang gustongvgawin ay maisaayos ang kanilang tahanan at matulungan ang mga kapatid sa pag-aaral.

Sa 81,463 na kumuha ng LET, si Iah ang pumasok sa ikalawang pwesto na may score na 90%, sumunod sa nanguna na mula sa Davao City na may 90.20%.

Payo ni Iah sa mga kabataan katulad niya na gustong may makamit sa buhay,

"Never give up just because you're poor. I still believe that life is fair. Just look at poverty as a challenge to improve oneself and get out of the bad situation."

Nakakaiyak ang kanyang istorya! LET topnotcher pinilit makalagpas sa kahirapan

Photo source: ABS-CBN News
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Breathtaking! Iza Calzado's gorgeous beach chic wedding reception

Breathtaking! Iza Calzado's gorgeous beach chic wedding reception

Breathtaking! Iza Calzado's gorgeous beach chic wedding reception
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel