Ngayong Pasko hiling ng sundalong nasabugan ng IED sa mukha, tulong

Ngayong Pasko hiling ng sundalong nasabugan ng IED sa mukha, tulong

-Isa si Staff Sergeant Sammy Galapon sa mg bayani ng ating bayan na halos ibuwis na ang buhay maipagtanggol lamang ang bayan

-Ngunit sa kasawiang-palad ay minalas ito at nasabugan ng isang improvised explosive device o IED habang siya'y nakikipaglaban

-Dahil sa kanyang kalagayan napilitan siyang huminto sa pagsisilbi sa bayan at tanging paggawa ng duyan ang pinagkakakitaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa sa mga sundalong nakipaglaban at handang ibuwis ang buhay para sa bayan nang makipaglaban sa Marawi si Staff Sergeant Sammy Galapon.

Ngunit sa kasawiang-palad ay nasabugan siya sa mukha ng isang improvised explosive device o IED habang siya'y nakikipaglaban.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, napaluha na lamang si Galapon habang inaalala ang kanyang naging karanasan.

Lalo pa at nag-iwan ng bakas ang sinapit na ito. Nadurog ang kanyang panga at nabulag ang kanyang kanang mata.

"Sana maayos na itong panga ko para makakain nang maayos,” anito.

PAY ATTENTION:

1 sa sundalong nakipaglaban sa Marawi, nasira ang mukha at humihiling ng tulong

Photo source: ABS-CBN News
Source: Facebook

Ngunit sa kabila nito ay nagpapsalamat pa rin siya na siya ay nabuhay. Hiling niya na lang ay maisaayos ang nasira sa kanya upang makapamuhay muli ng maayos.

Dahil kasi sa pangyayari, kinailangan niyang huminto muna sa serbisyo. Ngunit kapag siya daw ay tuluyan nang gumaling ay muli siyang maglilingkod sa bayan.

Sa ngayon, paggawa lamang ng duyan ang kanyang pinagkakakitaan. At hindi rin sapat ang tulong na nagmumula sa gobyerno.

Hiling din niya na sana ay mabisita din ni Pangulong Duterte ang mga ksamahan niyang nasa ospital pa rin.

Source: ABS-CBN News

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates

Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates

Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel