47,000-acre wildfire, nagsimula lang pala sa 1 gender reveal party

47,000-acre wildfire, nagsimula lang pala sa 1 gender reveal party

-Nagsimula sa isang gimik para sa isang gender reveal party ang 47,000-acre wildfire sa Arizona

-Isang video ang inilabas ng mga opisyal na siyang nagpatunay dito

-Nadakip naman ang suspek na isang expectant daddy na siya ring nagreport sa insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang video ang inilabas ng mga opisyal kaugnay sa kanilang imbestigasyon sa pananalasa ng 47,000-acre wildfire sa Arizona.

Ayon sa ulat, ang expectant dad na si US Border Patrol agent Dennis Dickey na off-duty ng mga panahong iyon ang siyang suspek dito.

Ayon sa report, ang target ay naglalaman ng highly explosive substance na tinatawag na Tannerite napinatamaan naman ng isang high-powered rifle.

Inaasahang ang target ay maglalabas ng kulay blue o pink na powder.

Ito ay upang ilabas ang resulta ng gender ng baby ng mag-asawang Dickey para sa mga bisita na dumalo doon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Si Dennis Dickey din daw mismo ang siyang nag-report nito sa mga opisyal. Sinabi rin nito sa harap ng judge na ito ay aksidente lamang.

Ang sunong na sumiklab ay nagsimulang kumalat sa kalapit na Coronado National Forest at tinatayang sinunog ang 46,991 acres na mga lupain na pag-aari ng Arizona, federal agencies at private landowners.

Tinatayang mula sa 20 na agencies ang mga bumberong nagtulong-tulong na puksain ang wildfire sa loob ng 1 linggo.

Ayon sa report, nasa $8 million ang kabuan ng damage ang iniwan ng wildfire na ito.

Habang si Dickey ay hinatulan ng guilty sa kasong misdemeanor violation of US Forest Service regulations at may sentensyang 5 taong probation.

Pinagbabayad rin ito ng $8,188,069 para sa pinsala na may inisyal na bayad na $100,000.

Source: CNN News

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ms Universe Canada 2016 reacts to Catriona Gray’s performance at prelims

Ms Universe Canada 2016 reacts to Catriona Gray’s performance at prelims

Ms Universe Canada 2016 reacts to Catriona Gray’s performance at prelims
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel