Pasahero ng Grab driver na inantok, pumanaw na matapos ang pagaagaw-buhay

Pasahero ng Grab driver na inantok, pumanaw na matapos ang pagaagaw-buhay

-Pagkatapos ng isang buwang paglaban ni Marko de Guzman para sa kanyang buhay, pumanaw na ang 20-anyos na binata

-Si de Guzman ang Grab passenger na naaksidente noong isang buwan

-Ayon sa ulat umabot na sa halos 3 million ang naging bill ng binata at patuloy umano sa pakikipag-ugnayan ang Grab sa pamilya nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pumanaw na si Marko de Guzman pagkatapos ng isang buwang pag-aagaw buhay sa ospital. Si de Guzman ang Grab passenger na naaksidente noong October 26.

Sa isang facebook post, ibinahagi ng tiyahin nito na si Isabe Ocliasa ang malungkot na balita na ang kanyang pamangkin ay "now free of pain".

Pinasalamatan rin nito ang lahat ng mga taong sumuporta sa kanilang pamilya at naniwalang gagaling ang binata.

Naiulat ng KAMI kamakailan ang tungkol sa lagay ni de Guzman. Kritikal ang naging lagay nito at natapyasan ang utak nito at 'di na makakakilala pa kung sakaling nabuhay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa ulat, nabunggo ang sinasakyang Grab car nito ng isa pang kotse at tumama sa isang scaffolding nang biglang kumabig ang Grab driver sa Bandang Taft Avenue 4 ng umaga.

Inamin rin ng Grab driver na inaantok ito noong mga panahong iyon. Ligtas ito nang maaksidente sila ngunit si de Guzman ay humampas ang ulo sa scaffolding na tumuhog sa bintana ng sinasakyan nito.

Ayon sa nakaraang ulat, humarap sa kasong reckless imprudence resulting to physical injuries ang Grab driver at ang driver ng kotseng nakabunggo sa sinasakyan ni Marko.

Samantala, sa isang ulat ng Inquirer, patuloy naman daw ang pakikipag-ugnayan ng Grab sa pamilya.

Magtatapos na sana ang 20 taong gulang na si de Guzman sa kursong mechanical engineering sa University of Santo Tomas.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sotto says medical mj is already allowed in Philippines

Sotto says medical mj is already allowed in Philippines

Sotto says medical mj is already allowed in Philippines
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel