Gaganda naman! 10 Nagagandahang Christmas trees ng mga sikat ngayong Pasko

Gaganda naman! 10 Nagagandahang Christmas trees ng mga sikat ngayong Pasko

Pasko na nga! Bukod pa sa malamig na simoy ng hangin ay ang mga nagagandahang Christmas decorations, kumikinang na palamuti, at kumikislap na pailaw.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isa sa mga sikat na simbolo ng Kapaskuhan ay ang makulay at kumikinang sa ganda na Christmas tree.

At dahil napapag-usapan na natin ito, minabuti ng KAMI na sumilip sa mga garboso, grandioso, at nagagandahang Christmas trees ng mga sikat ngayong Pasko.

1. Jinkee at Manny Pacquiao

Isa sa may pinakabonggang Christmas tree at naiiba sa tradisyonal ay ang kina Jinkee Pacquiao at Pambansang Kamao Senator Manny Pacquiao.

Nagbigay naman ng pasilip si Jinkee sa kanilang bonggang Christmas tree na punong puno ng pastel colors at ang isa sa nangingibaw na kulay ay pink, na gustong gusto ni Jinkee.

2. Vicki Belo at Hayden Kho

Speaking of magarbo, grandioso, at bongga na Christmas tree, hinding hindi na nagpapahuli sina Vicki Belo at Hayden Kho.

Sa unang tingin pa lang ay tila dedicated para sa kanilang super sikat at mahal ng marami na baby girl na si Scarlet ang kanilang disenyo.

Fineature ito ni Korena Sanchez sa kanyang programang Rated K.

Unicorn at everything Paris daw ang theme ng naturang Christmas tree at gawa umano ng mga galing Hollywood ito.

3. Joel Cruz

Isa pang super bongga na Christmas tree, bongga dahil sa laki, taas, at gara nito na fit na fit sa mala-palasyong bahay ng perfume magnate or Lord of Scents na si Joel Cruz.

Ayon pa nga ni Korina Sanchez, 15 feet daw ang taas nito na parang Christmas tree na nakikita natin sa mga malls.

4. Heart Evangelista

Elegante naman ang Christmas tree ni Heart Evangelista na pinuno ng mga white Christmas decors o ornaments.

5. Dawn Zulueta

Nagbigay din ng pasilip ang walang kakupas kupas ang kagandahan na si Dawn Zulueta ng kanyang Christmas tree na pinuno naman niya ng mga ornaments ng mga aso, pusa, at mga tao.

Bukod sa Christmas balls, binigyan pa ito ng buhay ni Dawn sa pamamagitan ng paglagay ng Chrstimas lights.

6. Ruby Rodriguez

Avengers naman daw inspired ang Christmas tree at decorations ni Eat Bulaga Dabarkad Ruby Rodriguez.

7. Ina Raymundo

All smiles naman ang mga nagagandahang girls ni Ina Raymundo sa kanilang punong puno na makukulay na ornaments at decorations nilang Christmas tree.

8. Pokwang

Hindi din nagpahuli si Pokwang na magbigay ng pasilip sa kanilang Christmas decorations.

Pinuno ang tradisyonal Christmas tree nila ng puti, pula, at gold na mga palamuti habang naglagay rin ng Christmas-inspired throw pillows.

9. Ruffa Gutierrez

Ang dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez ay nagbigay rin ng kanyang pasilip sa kanilang sophisticated Christmas tree na pinuno niya ng mga puti na mga dekorasyon, gaya ng puti na malaking ribbon, bulaklak, ibon, polar bears, at iba pang mga puti na ornaments.

10. Vina Morales

Mukhang maaga naman tinayo ang Christmas tree ni Vina Morales na pinuno niya ng Christams balls at nilagyan ng pulang pailaw.

Tingnan rin ang Christmas tree ni Jed Madlea na nafeature rin sa Rated K sa babang video.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions on ‘What Color Is This Word?’ and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment

Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment

Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel