Coco Martin, bumisita sa magarang bahay ni Lito Lapid para maki-fiesta

Coco Martin, bumisita sa magarang bahay ni Lito Lapid para maki-fiesta

- Dumalo sa isang salo-salo si Coco Martin sa bahay ng kapwa aktor na si Lito Lapid

- Nagdiwang kasi ng fiesta ang dating Senador sa kaniyang lugar sa Pampanga

- Umani naman ng reaksyon mula sa mga netizens ang pagdalaw ni Coco

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bumiyahe patungong Pampanga ang aktor na si Coco Martin upang bisitahin ang kapwa artista na si Lito Lapid sa bahay nito.

Napag-alaman ng KAMI na hindi lang basta pagdalaw ang pakay ng batikang aktor kung hindi ang matikman din ang mga inihandang pagkain ng dating Senador dahil fiesta sa bayan nito.

Sa video na inupload ni Coco sa kaniyang social media account, makikita ang tuwa sa mukha ng aktor sa kaniyang pagpasok sa magarang tahanan ni Lito.

Kasama ang iba pang mga kasamahan sa teleseryeng “Ang Probinsyano,” masaya nilang pinagsaluhan ang mga nakahandang pagkain para sa mga bisita.

Samantala, napansin naman ng ilang netizens nang mapanood ang video na tila si Coco ang pinag-fiestahan sa nasabing lugar.

Kaliwa’t-kanan kasi ang gustong magpa-litrato kasama ang Kapamilya heartthrob na siya namang pinaunlakan ng aktor.

Ayon pa sa ilang mga komento, napaka-swerte daw ng mga bisitang nandoon din sa bahay ni Lito dahil sa mga artistang pumunta.

“Maraming Salamat po Tito Sen Lito Lapid at Mark Lapid. Happy Fiesta po!” tugon ni Coco sa caption ng Twitter post nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga naging reaksyon ng netizens:

“Pampa-wala ng stress pag nakita na smile mo.”

“Sana maki fiesta ka din saamin hahaha.”

“Grabe, pinag fiestahan ka rin nila!”

“Ang bait talaga ni coco! Ako din pagnakita kita magpapapicture talaga ako!”

Narito ang video:

Sa nakaraang ulat ng KAMI, matapang na nagsalita si Coco sa naging desisyon ng DILG at PNP kaugnay sa kontrobersiyang kinaharap ng “Ang Probinsyano.”

Si Coco ay isa sa mga tinitingalang artista ngayon sa industriya dahil sa mga naiambag niyang serye at pelikula.

Isinilang siya noong November 1, 1981 at nagsimula sa pag-aartista bilang isang independent film actor hanggang sa madiskubre ang kaniyang husay at talento.

POPULAR: Read more news about Coco Martin!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Let's Play: Pera or Bayong? We are again catching Filipinos and suggesting them to choose: they can either take money or the unknown present (native bag). What would you choose without knowing what's inside the bag? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment

Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment

Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel