Babala! 1 pagawaan ang nadiskubre na gumagawa ng kape gamit ang dumi at baterya

Babala! 1 pagawaan ang nadiskubre na gumagawa ng kape gamit ang dumi at baterya

-Isang pagawan ng kape ang nadiskubreng gumagamit ng mga dumi, buhangin at baterya sa Vietnam

-Ayon sa ulat, ilang taon na daw nag-o-operate ang nasabing pagawaan at marami nang nadispatsang produkto ang mga ito

-Ayon sa isang eksperto ang isang kemikal na makikita sa baterya ay maaring makalason sa mga tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang pagawaan ng kape sa Vietnam ang nadiskubreng gumagamit ng gamit na baterya, dumi at buhangin.

Pinapatakbo ito ng isang pamilya na matagal na umanong manufacturer ng kape.

Ni-raid ng mga awtoridad ang nasabing pasilidad kasama ang Department of Natural Resources and Environment nang makatanggap ng tip mula sa mga residente doon.

Ayon sa ulat, naghinala daw ang mga residente na may anomalyang nagaganap sa pagawaan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Na-recover sa lugar ang 12 tons ng maruming kape na gawa sa mga maruming ingredients. Kabilang dito ang 77 pounds na b;ack poweder na mula sa D batteries.

Ayon sa report umamin ang may ari na si Nguyen Thi Loan na ilang taon na silang nag-o-operate at marami na silang naibentang ganitong produkto sa merkado.

Ayon pa rito, bumibili sila ng mga rejected na kape sa murang halaga at tsaka hahaluhan ng mga dumi at buhangin. Kasunod nito ay isasama ang black powder mula sa mga baterya upang kumulay dito.

Ayon sa isang chemistry expert na si Tran Hong Con, ang black substance na matatagpuan sa D batteries ay isang uri ng toxic chemical na tinatawag na manganese dioxide.

At kahit na 0.5 milligrams nito ang ihalo sa isang litro ng tubig ay magiging sanhi ng manganese poisoning sa mga tao.

Isa ang Vietnam sa pinakamalaking producer ng kape sa mundo at tinatayang 2.6 milyong tao dito ay empleyado sa pagawaan ng mga kape ayon sa report noong 2014.

Source: Tuoi Tre News, BBC

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions. This game appears simple: you should name the color of the word appearing on the screen. Let us see if you can pass it! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel