Pinay makeup artist shares her weight loss journey, she lost 30 kg in 6 months

Pinay makeup artist shares her weight loss journey, she lost 30 kg in 6 months

-Madalas daw na tawaging "big" o "chubby" noon ang Pinay make up artist na si Ciari Luna

-Kaya naman ilang beses rin siyang sumubok sa kung ano-anong diet at exercise hanggang sa madiskubre niya ang Whole 30 diet

-Ibinahagi nito ang kanyang pinagdaanan at maging ang resulta ng kanyang diet

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Madalas umanong matawag noon na "big" o "chubby' ang make up artist na si Ciari Luna. Kaya naman noon pa man ay sumubok na rin siya ng kung ano-anong nauusong diet.

Ayon kay ciari, sinubukan na umano niya ang south beach diet, atkins diet, military diet, at iba pang klase nito ngunit wala din naman daw umepekto sa kanya.

Sinubukan rin niya ang mag-exercise para mabawasan ang kanyang timbang ngunit nauuwi rin siya sa pagkain pagkatapos mapagod dito.

Sa isang panayam sa HerStyleAsia, ibinahagi ni Ciari kung paanong nagsimula ang kanyang panibagong pagsubok sa pagpapapayat.

Ayon kay Ciari, ang nagsilbing wake up call niya ay nang mamatay ang isa sa malapit niyang kamag-anak na may problema rin sa timbang.

"I’ve always wanted to lose weight to be healthy but I was just never able to stick to it. Early this year, I had a relative who passed away quite young because of complications from diabetes." ayon kay Ciari.

"She also had weight issues. It was a wakeup call to get healthy. I guess you can say that it was fear that finally made me take losing weight seriously." dagdag nito.

Kaya naman inumpisahan niyang ang kanyang Whole 30 diet.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"It’s an elimination diet that cuts out added sugar, grains, dairy, alcohol, legumes etc for 30 days."

Ayon sa sa kanya hindi ito naging madali lalo na noong nagsisimula pa lamang siya. Nakaranas siya ng pananakit ng ulo dahil dito.

Ngunit kalaunan ay natutunan na rin niya ang pagsunod sa diet na ito. Nagkaroon na rin daw siya ng kontrol sa kanyang mga kinakain.

Nag-download din siya ng appilication na “Lose It” para ma-monitor ang kanyang bawat kinakain.

Noong una, ang kanyang exercise ay paglalakad kasama ang kanyang alagang aso at nang lumakas na ang kanyang katawa ay nagawa na niyang mag-jogging.

Naging mas mabuti na rin daw ang kanyang pagtakbo sa ngayon dahil sa patuloy niyang pageehersisyo.

Gianagawa rin daw niya ang ilang kettlebell workouts at gumagamit ng NTC application para naman sa kanyang workout routine.

"My favourite workout is jump roping. It is a great calorie burner and builds endurance. I try to workout at least 5 times a week making sure to alternate between strength and cardio, but I jump rope almost daily for around 10-15 minutes."

Nakatulong rin daw ang pagsuporta sa kanya ng kanyang pamilya at mga kaibigan para sa kanyang pagpupursigeng magpapayat.

Hindi rin naman daw siya nagkaroon ng kahit na anong sakit sa kanyang pagpapayat.

Ayon sa kanya nasa 30kg ang nabawas sa kanyang timbang sa loob ng 6 na buwan.

Payo no Ciari, ang pagpapapayat, hindi baleng mabagal basta siguradong masusundan ito.

Higit sa panlabasa na anyo mas importante sa kanya na maging malusog at mabuhay ng mahaba kasama ang mga taong kanyang minamahal.

"Don’t let your size dictate how you feel about yourself. People have asked me if I feel different/better now that I’ve lost weight, I always say that emotionally I feel the same way I did six months ago."

"But physically, I feel so much better! I can move easier, I’m stronger, I can run longer and farther, I sleep better, my posture, my hair, my skin, my mood and so much more changed for the better."

Ang interview na ito kay Ciari ay mula sa HerStyleAsia.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions. This game appears simple: you should name the color of the word appearing on the screen. Let us see if you can pass it! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sealed with a kiss! Iza Calzado is now officially Mrs. Wintle

Sealed with a kiss! Iza Calzado is now officially Mrs. Wintle

Sealed with a kiss! Iza Calzado is now officially Mrs. Wintle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel