Bagong biktima ng dengvaxia, malusog na batang atleta, pumanaw sa loob ng 5 araw

Bagong biktima ng dengvaxia, malusog na batang atleta, pumanaw sa loob ng 5 araw

- Naghirap ang malusog na batang atleta na si Lance Allen Mitra sa loob lamang ng 5 na araw hanggang sa ito'y tuluyang pumanaw

- Pinaniniwalaang 'dengvaxia'umano ang dahilan ng di nawari agad na pagkamatay ng bata

- Sa update na binahagi pa rin ng tiyo ng bata, kinumpirma na ng forensic team na nag-eksamin sa katawan ni LA na ang 3 dose ng dengvaxia ang kumitil sa buhay ng malusog na bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng netizen na si Cris Tohf patungkol sa di niya matanggap na pagkamatay ng pamangkin na si Lance Allen Mitra.

Dinetalye ni Cris sa kanyang mahabang post kung paano ang kanyang malusog at masiglang pamangkin ay pumanaw sa loob lamang ng apat na araw na paghihirap nito.

Pinaniniwalaan ng kanilang pamilya na ang pagpapaturok nito ng dengvaxia ang siyang dahilan ng paghihirap ng bata at tuluyan nitong pagkamatay.

Malusog at aktibong bata si LA. Noong Nobyembre 20 na araw na uminda na ito ng sakit ng ulo dala ng mataas na lagnat at hindi na rin ito makahinga ang unang pagkakataon nito na ma-admit sa ospital.

Nobyembre 21, inabisuhan silang ilipat ang pasyente sa ICU, at sa pagkakataong ito, ibang ospital lamang ay mayroon kaya agad nila itong nilipat.

Nobyembre 22, pansin ng tiyo na malakas pa si LA nang kanilang dalawin. May ilang findings na ang doktor patungkol sa kanyang puso at may nakita raw itong bacteria sa lungs. Ayon pa sa doktor, maaring dahil lamang daw ito sa tinuturok na gamot sa bata kaya naman di na masyadong nag-alala pa ang kanyang mga kaanak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nobyembre 23, naging mas lalong pinag-igting ang pagpapapunta ng tao kay LA dahil sa nahihirapan daw ito pag marami ang dumadalaw sa kanya. Walang nagawa ang tiyo kundi sundin ang doktor.

Nobyembre 24, alas dos ng madaling araw nang makausap ni Chris ang tatay ni LA na siyang bantay ng araw na iyon.

Ayon sa ama ng bata, di na raw ito makahinga at sumusuka na ng dugo. NAturukan pa umano ng antibiotics ang pasyente ngunit matapos nito, nagkaroon daw ng rashes ang bata at sumunod nito ay para na siyang nagwawala. Parang gusto na niyang tanggalin ang mga aparato na nakakabit sa kanya.

Sa labis na pagwawala, napaihi at napadumi na raw ito. Minabuti ng doktor na palagyan na raw ito ng tubo. Habang ginagawa raw ito kay LA, nagsalita ito ng "PAPA, MAHAL N MAHAL KO PO KAYO HA!" Tuluyan nang tinali ang bata nang hindi na ito magwala pa.

Tuloy pa rin ang pagwawala ni LA kahit pa natalian siya kaya naman tinurukan na raw ito ng pampatulog pa na rin maging kalmado ang bata.

Iyon pala, di na muling magigising pa ang si LA.

Labis ang hinanakit ng pamilya ng bata na walang ibang nakikitang rason ng pagkamatay ng bata kundi ang pagpapaturok ng 3 doses ng dengvaxia mula noong 2016.

Tumugma naman ito sa kumpirmasyon ng forensic team na siyang nag-eksamin sa katawan ni LA. Katunayan, apat na buwan pa lamang daw mula nang maturuka ito noong 2016, may ilang sintomas na palang pinakita si LA na epekto ng dengvaxia at ito ay ang pananakit ng ulo.

Nanlabo na rin pala ang paningin ng bata isang taon matapos ang pagpapaturok at sa pinakahuling eksaminasyon sa kanyang katawan, nagsilakihan na pala ang kanyang mga internal organs dahilan para tuluyan nang bumigay ang kanyang katawan.

Nilinaw rin ng forensic team na di kailanman pa dinapuan ng dengue si LA at di pa raw ito dinapuan ng anumang malubhang karamdaman.

Si Lance Allen ay pang-103 na kaso na ng pagkamatay ng mga naturukan ng kontrobersyal na dengvaxia. At gaya ng mga pamilya ng mga naunang namatay sa kaso na ito, sigaw din nila ang hustisya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates

Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates

Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel