89-anyos na hirap nang maglakad, binuhat na ng pulis hanggang sa pupuntahan nito

89-anyos na hirap nang maglakad, binuhat na ng pulis hanggang sa pupuntahan nito

- Hirap na raw talagang maglakad ang lola na nakita ng isang bagitong pulis

- Kukuha raw ito ng allowance mula sa munisipyo ngunit hirap na itong makarating dito

- Minabuti nang buhatin ng pulis ang matanda hanggang sa patutunguhan nito na laking pasalamat naman ng lola sa ginawang ito ng pulis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang nakakataba ng pusong makita ang isang matandang babae na karga ng isang pulis dahil sa hirap na raw maglakad ito.

Ayon sa Gma news, nagpapatrolya umano ang pulis na nakilalang si PO1 Rogel Mazo sa barangay San Roque sa bayan ng Calatrava nito lamang Lunes, Nobyembre 26. Nakita niya ang matandang nakilalang si lola Enocencia Ferolino.

Dahil sa 89 taong gulang na ito, kitang kita raw na hirap na hirap na itong maglakad.

Ayon sa matanda, patungo siya ng kanilang Senior citizens building upang kunin ang kanyang buwanang allowance bilang isang senior citizen.

89-anyos na hirap nang maglakad, binuhat na ng pulis hanggang sa pupuntahan nito

Source: GMA news
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Agad na tinulungan ng pulis ang matanda, pagkakita pa lang niya rito at binuhat pa upang di na mahirapan pa sa paglalakad. Hinatid niya ito hanggang sa makarating sa Senior citizen's building.

Laking pasalamat naman ni lola Enocencia sa pulis dahil sa pagtulong nito sa kanya ng agaran.

Pamarisan sana natin ang pulis na na kahit pa ito ay munting paraan ng pagtulong, gawin pa rin natin ng may pagmamalasakit.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates

Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates

Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel