Katawan ng pinatay umano na US missionary ng 1 tribo, 'di pa rin makuha

Katawan ng pinatay umano na US missionary ng 1 tribo, 'di pa rin makuha

-Napabalita kamakailan lamang ang pagkamatay ng isang US missionary sa 1 remote island kung saan naninirahan ang 1 tribo

-Sentinelese people ang tawag sa mga ito na matagal nang naninirahan sa 1 Indian island at walang impormasyon tungkol sa mga ito

-Maliban sa US missionary na nasawi ay ilang mangingisda pa ang naibalitang nasawi din doon noong 2006

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kamakailan lamang ay naibalita ang pagkamatay ng isang US missionary na si John Allen Chau matapos umanong tangkaing ipamahagi ang Christianity sa mga tao sa 1 remote na isla.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita o narerecover angt katawan nito. Ngunit ayon sa report, nakita umano ng ilang mangingisda na inilibing ito ng mga tiga-isla sa isang parte ng beach sa lugar.

Katawan ng pinatay umano na US missionary ng 1 tribo, 'di pa rin makuha

Photo source: bbc
Source: Getty Images

Bukod rito, 2 pang mangingisda ang naiulat na namatay din o pinatay din umano sa parehong isla matapos na madaaong ang kanilang bangka doon noong 2006.

Naiulat rin na inilibing ang mga katawan ng 2 mangingisda sa beach din doon ngunit hinukay rin ng mga ito ilang araw ang nakaraan at pinatayo ng tuwid sa isla.

Hindi rin narecover ang mga katawan ng mga ito at hindi na rin naimbestigahan pa.

Samantala, sakay ng isang bangka pinuntahan ng ilang awtoridad ang North Sentinel upang matyagan ang mga Sentinelese gamit ang binoculars.

Ilang kalalakihan mula sa tribo ang nakakita sa kanila na armado ng sibat at pana.

“We watched them from a distance and they watched us from a distance,” ayon kay Dependera Pathak, director general ng kapulisan ng Andaman and Nicobar island groups.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“They are a treasure,” anito. “We cannot go and force our way in. We don’t want to harm them.”

Ang mga Sentinelese ay pinaniniwalaang mga descendants ng mga Africans na lumipat sa lugar na iyon 50,000 taon na ang nakararaan.

Walang impormasyon ang naitala tungkol sa mga ito maliban sa inaatake ng mga ito ang mga dumadayo sa lugar na iyon gamit ang sibat at pana.

Ayon naman sa isang professor sa Delhi University kaugnay sa patuloy na paghahanap sa labi ng missionary, importanteng malamang ang ikinamatay nito ngunit baka huli na rin para mapag-aralan ang katawan dahil na rin sa matinding init sa lugar, kung saan mas mabilis na maaagnas ito.

Source: South China Morning Post

Katawan ng pinatay umano na US missionary ng 1 tribo, 'di pa rin makuha

Photo source: Columbus News Team / letter from John Allen Chau
Source: Getty Images

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions. This game appears simple: you should name the color of the word appearing on the screen. Let us see if you can pass it! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ms Universe Canada 2016 reacts to Catriona Gray’s performance at prelims

Ms Universe Canada 2016 reacts to Catriona Gray’s performance at prelims

Ms Universe Canada 2016 reacts to Catriona Gray’s performance at prelims
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel