Pinoy actor kabilang sa miyembro ng F4 sa Indonesian Meteor Garden

Pinoy actor kabilang sa miyembro ng F4 sa Indonesian Meteor Garden

- Isang Pinoy actor nga ang kabilang sa F4 member ng Indonesian version ng napakasikat na drama series na Meteor Garden

- Si Teejay Marquez ay gumanap umano bilang si Xi Men sa naturang TV series sa bersyon ng Indonesia

- Hindi naman mahirap sa kanya ang gumanap sa role dahil diretso na raw siya magsalita ng Bahasa

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman nga ng KAMI na ang 25-year-old Filipino actor na si Teejay Marquez ay kabilang sa miyembro ng F4 sa Indonesian version ng napakasikat na TV series ang Meteor Garden.

Ayon pa umano sa balit ng Push, hindi naman nahirapan si Teejay na umakteng at gumamit ng wika ng Indonesia ang Bahasa dahil diretso na daw siya magsalita.

Natatawa pang pagbahagi ni Teejay Marquez:

“Diretso na ako magsalita pero ’yung accent they find it funny kaya parang kahit anong sabihin ko natatawa sila. Comedian ba ako? Sige na nga!”

Saad pa sa balita ng ABS-CBN News, nag-umpisa raw ang karera ni Teejay sa Indonesia noong 2016.

Nagkaroon daw siya ng araw-araw na lessons sa kanyang tutor para maging fluent sa native tongue which is Bahasa.

Pero dahil daw sa napakademanding ang mga projects na ibinigay sa kanya, isang private teacher umano ang ibinigay sa kanya para ma-accomodate umano ang kanyang schedule.

Kaya naman malaking tulong ito dahil nakasali siya sa Meteor Garden ng Indonesia na may pamagat na “Siapa Takut Jatuh Cinta (STJC)."

Walong buwan daw umere ang naturang TV series, hanggang October 2018.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions on ‘What Color Is This Word?’ and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment

Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment

Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel