8 Pretty, famous, and fabulous Pinay celebs at ang kanilang lob hairstyles

8 Pretty, famous, and fabulous Pinay celebs at ang kanilang lob hairstyles

Habang tumatagal at iba't ibang trends na ang lumabas at nauso sa hairstyles ng mga babae, may bagong nauso, na nag-umpisa umano noong 2013.

Ang nasabing hairstyle ay ang tinatawag na Lob o long and bob, o variant styles ng bob cut, at dahil sa bagong hitsura at interesting cut, napansin ito ng iba at nagpagupit ng pareho.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman daw ang lob ay naging hottest haircut noong naturang taon, at hanggang ngayon, ito pa rin ang peg ng ibang mga kababaihan sa buong mundo.

Spotted ng KAMI ang walo (8) sa magaganda, stylish, at sikat na mga Pinay celebs ngayon na mayroong iba't ibang klase ng lob.

1. Kim Chiu

Hindi naman nagpahuli ang isa sa mga PBB Otso hosts na si Chinita Princess Kim Chiu sa pagkakaroon ng lob.

Ayon pa sa cosmo.ph, kung saan una namin naispatan ang listahan ng mga nagagandahang artista na may lob hairstyle, ang lowlights daw sa style ng lob buhok ni Kimmy ay nagdagdag dimensyon umano sa isang blunt bob.

2. Yeng Constantino

Si Yeng Constantino naman ay sinubukang lagyan ng kulay ang kanyang lob hairstyle at ani pa ng nasabing fashion magazine, rose gold ombré, gaya ng kay Yeng ay super gorgeous.

3. Coleen Garcia

Bagay naman daw sa mga round face shape ang lob na may "wispy bangs" at "tousled waves" gaya umano kay Coleen Garcia, ayon pa rin ng fashion expert, para raw madagdagan ng definition ang kanilang soft features.

4. Loisa Andalio

Para ma-enhance umano ang bone structure sa face niyo, pwede daw ninyong istyle ito na may clipped back waves, gaya ng kay Loisa Andalio.

5. Julia Barretto

Ang Ngayon at Kailanman star na si Jula Barretto ay pinili ang konting gulo gulo type of style para daw mas konting alindog.

6. Sarah Geronimo

Hindi din nagpahuli ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa kanyang pretty at charming lob hairstyle.

7. Kathyrn Bernardo

Pwede din ninyong itry ang Queen of Hearts lob hairstyle na si Kathryn Bernardo na may pahila sa isang side ng kayang buhok at mayroong tiny braids para maiba naman.

8. Anne Curtis

Pwede din ang bohemian chic lob hairstyle ng It's Showtime host Anne Curtis na mayroon pang curtain bang at tousled waves.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions on ‘What Color Is This Word?’ and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment

Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment

Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel