Pagrampa ni Maymay Entrata sa Arab Fashion Week, top 2 trending na sa YouTube

Pagrampa ni Maymay Entrata sa Arab Fashion Week, top 2 trending na sa YouTube

- Isa ngang napakalaking karangalan na makita ang ating kapwa Pinoy na gumagawa ng ingay at umaagaw ng atensyon sa international scene

- Laman ng buong pahayagan at online entertainment media ang pagrampa ni Maymay Entrata sa nakaraang Arab Fashion Show

- Hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin ito, at sa katunayan nga, ang video ng kanyang pagrampa na inupload sa YouTube ay trending at number 2 pa rin, as of writing

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted nga ng KAMI sa trending hot list ng YouTube ang pagrampa ni Maymay Entrata sa Arab Fashion Show.

Gumawa ito ng ingay dahil na rin si Maymay ang kauna-unahang Pinay na rumampa sa naturang fashion show.

At umagaw naman talaga ng pansin ang pagrampa ng dating housemate sa bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother.

Parang kailan lang nang itanghal si Maymay Entrata bilang ang Big Winner ng Pinoy Big Brother: Lucky 7.

Ang naturang video sa pagrampa ni Maymay ay inupload ng Jhayrhomzky Channel at sa kasalukuyan, as of writing, nakahakot na ng halos 2 million views simula sa pag-upload nito noong November 21, 2018.

Nakatanggap ito ng 20k likes at libo libong komento mula sa mga tagasubaybay ni Maymay Entrata at ibang netizens.

"She's gorgeous"
"Yong hindi na halata na bagohan xa.so proud of maymay. congrats "

Ayon naman sa ibang netizens, trending at number 1 ang naturang video noong November 25, 2018.

"Congrats top trending lupit ah"
"Ang layo na ng naabot ni Maymay sana hindi lumaki ang ulo ....ang galing mo"
"Sooo proud of you Maymay."
"Wow!!! Maymay grabeh! Nakakaproud ka!!! Congratulations!!! You did it well. Sa gumawa ng video Thank you so much!!! I can't wait to see mayward or maymay's next videos."

Mga 2 years ago pa lang nakalabas ng Bahay ni Kuya si Maymay Entrata bilang ang Big Winner para sa Pinoy Big Brother Lucy 7 edition.

Bukod sa kanyang mga pelikula, TV shows, endorsements, at guestings, rumarampa na si Maymay ngayon at isang trending queen na rin.

Talaga namang isang Pinoy Pride si Maymay Etnrata!

POPULAR: Read more news about Maymay Entrata here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions on ‘What Color Is This Word?’ and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Explainer: What are the prohibited firecrackers and pyrotechnic devices according to law?

Explainer: What are the prohibited firecrackers and pyrotechnic devices according to law?

Explainer: What are the prohibited firecrackers and pyrotechnic devices according to law?
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel