Buntis na naglakad palabas ng delivery room, pumanaw dahil sa kapabayaan di umano ng ospital

Buntis na naglakad palabas ng delivery room, pumanaw dahil sa kapabayaan di umano ng ospital

- Humihingi ng hustisya ang mister na namatayan ng buntis na misis dahil daw sa kapabayaan ng ospital

- Nagulat ang mister na naglakad mag-isa ang misis na di pa nakapapanganak at nagmamakaawang umalis na roon

- Inakusahan ng mister ang ospital ng kapabayaan dahil sa pagpapaalis sa misis kahit na kitang kita naman na hirap na hirap na ito sa kanyang kalagayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hustisya ang sigaw ng mister na namatayan ng buntis na misis dahil daw sa pabayang ospital na di nagawang maiayos ang misis sa panganganak.

Ayon sa post na binahagi ni Richiela Golis Torremocha, binahagi ng mister kung paano naisawalang bahala di umano ng ospital ang asawa niya na talagang hirap sa kalagayan at manganganak na.

11:30 ng gabi noong Nobyembre 18 nang i-admit ang buntis at bandang alas dose ng madaling araw nang humingi na ng mga gamit ng bata at malaking diaper para sa ina ang nurse kaya buong pag-aakala ng mister na manganganak na talaga ang kanyang misis.

Naghihintay ang mister sa labas ng delivery nang laking gulat nito at lumabas ang misis na hawak ang sarili niyang swero. Hirap mang maglakad, sinabi ng buntis na umalis na lamang sila sa ospital na iyon.

Aminado ang mister na tila nablangko ang isip niya lalo na nang makita ang misis na hinang hina na. "babe" please ilabas mo na ako dito kasi pinabayaan nila aku hindi ko na kaya," ang huling nasabi ng buntis bago ito mapaluhod sa sobrang pagod at panghihina dahil sa kanyang kalagayan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naluha na lamang ang mister habang pinagagalitan na rin sila ng midwife at nurse ng ospital na pinipilit na rin silang pumirma at pinaaalis na rin sila.

Sinubukan pang ibalik ng mister ang misis sa delivery room dahil sa nakikita niyang hirap na ito sa kanyang kalagayan.

Pinigilan ng midwife at nurse ang mister dahil sa bawal ang lalaki roon. Kaya agad niyang tinawag ang ina ng mister para masamahan ito sa loob.

Mas lalong bumigat ang sitwasyon nang makita ng ina na nangingitim na ang labi ng buntis. Nagawa pa raw nitong yakapin ang biyenan at sabihing ""mama wag mo aku iwan nahihirapan na akung huminga," ngunit pilit na ring pinalalabas ang ina.

Di nagtagal, nagdeklara na ang mga nurse na pumanaw na ang misis. Ang masaklap pa rito, di pa nagawang alisin ang bata loob ng tiyan ng ina at diniretso na ito sa morgue.

Dahil sa kalunos lunos na nangyari sa buntis, humihingi ng tulong ang mister. Sa kasamaang palad, di nakuha ng mister ang pangalan ng midwife at nurse na di maganda ang naging trato sa kanyang misis.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel