Lalaki, naisalba di umano ang muntik nang pagkasunog ng SM Davao gamit ang tsinelas

Lalaki, naisalba di umano ang muntik nang pagkasunog ng SM Davao gamit ang tsinelas

- Tinatawag ngayon "Superman" ang isang lalaki sa Davao dahil sa pag-apula ng sunog gamit lamang ang kanyang mga tsinelas

- Nakunan g video kung paano lakas loob na pinatay ng lalaki ang maliit pa lamang na apoy sa SM Davao

- Patuloy ang imbestigasyon sa kaganapan na pinaniniwalaang linya ng kuryente ang pinagmulan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang video kung saan, kitang kita kung paano napatay ng isang lalaki ang apoy na sumiklab sa SM Davao.

Ayon sa post ng netizen na si Ron Bongcayao Moncada, bandang 3:55 ng hapon noong Nobyembre 25 naganap ang pagliyab.

Sa video, makikita ang isang guwardiya na lumapit na sa maliit na apoy ngunit mas kahanga-hanga ang ginawa ng lalaking nakilalang si Juvanie Ladano Castañares.

Alisto si Juvanie na ibinato ang kanyang tsinelas sa apoy upang ito ay mapatay. Di nakuha sa isang batuhan ito Kaya naman maging ang isa pang pares nito ay ibinato na rin niya kaya naman naapulahan ang apoy.

Kung hindi ito naisipang gawin ni Juvanie, malamang mas malaking pinsala ng sunog ang naganap.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, tinawag ng kumuha ng video si Juvanie na "superman" dahil sa nailigtas niya ang buong mall sa maaring pagkasunog nito ng tuluyan.

Bagaman at wala pang ibang detalye patungkol sa dahilan ng sunog, pinaniniwalaang kuryente ang sanhi nito.

Samantala, maging ang ilang netizens ay nagpahayag ng paghanga sa katapangan ni Juvanie at nakaisip agad ito ng dapat gawin sa insidenteng iyon.

Narito ang ilan sa kanilan mga komento:

"Dapat lng may reward si supreman keysa nasunog buong mall kulang pa ang thanknyou sa nagawa nya..."
"Hahahahaha not all heroes wear capes other heroes wear slippers"
"TUNGANGA yung GUARD eh. Not all HEROES wear CAPES. SLIPPER MAN saves the day!!!"
"Mabuhay ka Slipperman!"
"No wonder bakit ang galing ni kuya . Kasi electrician naman pala sya . You save the day kuys"
"not all heroes wear capes...some of them just wear....superman shirts"

Napag-alaman na electrician pala si Juvanie kaya naman alam niya ang nararapat na gawin sa ganoong klaseng sitwasyon.

Umabot na rin sa mahigit 2 million na views ang video.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel