Face-to-face?! 'Ang Probinsyano’ aktor Coco Martin at PNP chief nagkaharap na

Face-to-face?! 'Ang Probinsyano’ aktor Coco Martin at PNP chief nagkaharap na

- Nagkita na ang kampo ng teleseryeng ‘Ang Probinsyano’ at PNP chief

- Dumalo ng flag ceremony ng pulisya ang aktor na si Coco Martin sa Camp Crame

- Pumirma ang dalawang kampo ng memorandum of understanding

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumalo ng flag ceremony ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang aktor ng palabas sa ABS-CBN na ‘Ang Probinsyano’ na si Coco Martin kasama ang COO ng ABS-CBN na si Cory Vidanes at ang MTRCB ngayong Lunes.

Nalaman ng KAMI na nagharap na ang ‘Ang Probinsyano’ star at ang PNP chief na si Director General Oscar Albayalde. Nakita rin sa isang video sa Twitter ni Raffy Sison Santos na nakipagkamay pa ang PNP chief kay Martin at Vidanes.

Ayon sa balita ng ABS-CBN News ay pumirma ng memorandum of understanding (MOU) ang kampo ng ‘Ang Probinsyano’ at pulisya. Napagkasunduan daw na patuloy ang pagsuporta ng pulisya sa palabas sa pamamagitan ng pagpapahiram ng mga uniporme, gusali at sasakyan basta hindi sisirain ng ‘Ang Probinsyano’ ang imahe ng pulisya sa teleserye.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakaraang naiulat din ng KAMI na nagbanta ang Department of Interior and Local Government (DILG) na magsasampa raw sila ng kaso diumano laban sa ‘Ang Probinsyano’ subalit naresolba rin ito nang magkita ang kampo ng ABS-CBN, DILG at PNP noong November 21.

Nagsimula ang isyu noong nagkoment ang pulisya sa imahe nilang ipinapakita ng ‘Ang Probinsyano’ sa madla. Unang naibalita ng KAMI na ayon sa pulisya ay hindi raw maganda ang imaheng ipinapakita ng teleserye at “very disturbing” daw ito.

POPULAR: Read more news about Coco Martin!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: What Color Is This Word? | This game appears simple: you should name the color of the word appearing on the screen. Let us see if you can pass it! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Brian Velasco, may huling habilin ilang minuto bago nagpatihulog sa gusali

Brian Velasco, may huling habilin ilang minuto bago nagpatihulog sa gusali

Brian Velasco, may huling habilin ilang minuto bago nagpatihulog sa gusali
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel