Netizens, napaluha sa sagot ni tatay at nanay na homeless nang alukin ampunin si nene

Netizens, napaluha sa sagot ni tatay at nanay na homeless nang alukin ampunin si nene

- Isang YouTuber ang gumawa ng social experiment kung saan kinausap niya ang isang pamilyang nangunguha ng scrap.

- Nalaman niyang 200-300 ang nakikita nila kada araw na talaga namang kakarampot

- Sa kabila ng hirap, nang tanungin tungkol sa pagpapa-adopt sa anak upang di na maghirap, sinagot ito ng ama't-ina nang walang pag-aalinlangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming netizens ngayon ang napahanga ng mga magulang ng isang bata.

Nalaman ng KAMI na isang YouTuber ang nag-conduct ng kanyang social experiement at napili niya ang isang pamilya na nagsascrap sa daan.

Kinausap niya ang mag-asawa at tinanong kung magkano ba ang nakikita nila sa pagtitinda ng scrap.

Sagot nila minsan P200 at minsan naman eh P300. Nag-iipon sila ng pera para makauwi sa Samar kung saan may dalawa pa silang anak na naghihintay.

Naging accommodating naman ang mag-asawa, pero may isang tanong o proposal ang YouTuber na inalmahan nila.

Sinabi ng YouTuber paano kaya kung ampunin na lang niya ang anak na kasa-kasama nila nang sa ganun magkaroon ng bright future.

"Ampunin ko anak mo," sabi ni Jose.

Agad na sinagot ng mag-asawa na hindi. Sabi ng tatay kaya niyang magbigay ng magandang future sa anak, kailangan lang nila makauwi sa pamilya sa Samar.

Natuwa naman ang YouTuber na si Jose at di na pinilit pa ang idea sa mag-asawa.

Bagkus sinabihan niya na siya'y gumagawa lamang ng isang social experiment at masaya siya sa sinabi ng tatay.

Tinulungan na rin ni Jose ang ama, ina at anak na nakausap niya sa gilid ng daan.

Panoorin ang makabagbag-damdaming pag-uusap.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel