Aso, patay matapos di umano pagsamantalahan ng mga lalaking lango sa droga

Aso, patay matapos di umano pagsamantalahan ng mga lalaking lango sa droga

- Walang kalaban laban ang isang aso sa Mumbai, India na napagsamantalahan ng mga lalaking pinaniniwalaang lango sa droga

- Lalaki pa umano ang aso na binawian ng buhay dahil sa labis na pagdurugo

- Di pa rin nakikilala ang mga walang pusong gumawa nito sa aso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang lalaking aso sa Mumbai, India matapos itong pagsamantalahan di umano ng mga kalalakihang pinaniniwalaang lango sa droga.

Ayon sa Inquirer.net, nagtamo ng sugat ang aso at labis din itong dinugo.

Tinatayang nasa apat na lalaki ang tila wala sa sarili dala ng impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot.

Sa tindi ng pangyayari, pumanaw ang aso noong Nobyembre 21, Miyerkules ayon sa post ng animal welfare non-government organization Animals Matter To Me (AMTM) sa Facebook.

Ang mga labi ng aso ay gagamitin pa rin sa imbestigasyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa naunang post ng AMTM sa Facebook, Courage ang pangalan ng aso at matindi ang pinagdaanan nito sa kamay ng mga walang hiyang lalaki na bumaboy sa kanya.

Isang driver ang nakasaksi sa pangyayari. Nakita pa nitong nakatali ang aso at may busal ang bibig. Maingay pa rin ang aso kaya natawag ang atensyon ng driver. Nang puntahan, agad na nakapuga ang mga salarin.

Sinubukang isalba ang buhay ng aso sa isang veterinary clinic roon ngunit di na kinaya ng aso at bumigay na ito sa pagkakatulog.

Bukod sa apat na kalalakihang suspek sa nangyari sa aso, pinaghahanap din ang driver na nakakita di umano kay Courage.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Jennylyn Mercado, nakipagbonding sa biological mom! Netizens, nawindang sa beauty ni mommy

Jennylyn Mercado, nakipagbonding sa biological mom! Netizens, nawindang sa beauty ni mommy

Jennylyn Mercado, nakipagbonding sa biological mom! Mommy, agaw-pansin ang ganda
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel