Yayamanin talaga! Sharon Cuneta, binigyan si Regine Velasquez ng diamond ring

Yayamanin talaga! Sharon Cuneta, binigyan si Regine Velasquez ng diamond ring

- Isa sa naging guest ni Regine Velasquez sa kanyang concert ay si Sharon Cuneta

- Nagulat ang Asia's songbird nang bigyan siya ng isang napakamahal ng regalo ni Mega

- Ayon pa sa Megastar, iyon daw ang pinakamahal na regalong naibigay niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Guest sa concert ni Regine na "Regine At The Movies" si Mega star Sharon Cuneta. Naging guest si Shawee sa concert ng songbird nitong Sabado ng gabi, November 24 sa New Frontier Theater sa Quezon City.

Kinanta nila ang isa sa pinaka sikat na awitin ni Sharon na "Bituing Walang Ningning." Dito na tinanggal ni Sharon ang isang double finger ring na flower-shaped at tadtad ng diyamante. Binigay niya ito kay Regine bilang isang regalo.

Ang nasabing singsing ay gawa ni Candy Dizon ng Jul B. Dizon jewelry ayon sa ulat ng PEP.ph.

"Pinakamahal na regalong nabigay ko sa buhay ko 'to.

"Masha-shock yung mga kasama ko sa likod!" saad ni Sharon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tuwang-tuwa si Regine at nagsabing, "Puwede bang isangla 'to?"

"'Wag mo namang isangla..." sagot naman ni Sharon.

Paliwanag pa ni Mega, "Sometimes, I get this felling na I want to give... but it's the most expensive gift I've ever given anyone."

Sampung taon na umanong nasa kanya ang singsing at pabirong nagsabing, "I'll miss you. I love you so much!"

Pabiro niya din tinanong si Regine kung may ibibigay din daw ba ito sa kanya.

"Meron, meron akong ibibigay! Ibibigay ko na sa 'yo yung asawa ko kapalit nito [ng ring]!" pabiro ding sagot ni Regine.

Si Sharon Cuneta ay isang batikang Filipina actress, host at presenter. Siya ang asawa ni Sen. Kiko Pangilinan, ina ni KC Concepcion at ngayon ay may movie sila ni Kathryn Bernardo.

POPULAR: Read more about Sharon Cuneta here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Mother allegedly hurts daughter for sleeping in the jeepney, netizen comes to her defense

Mother allegedly hurts daughter for sleeping in the jeepney, netizen comes to her defense

Mother allegedly hurts little girl for sleeping in the jeepney, netizen chose to defend the helpless girl
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel