Lodi si ate! Empleyado ng Sharp, 9 na taong walang absent sa trabaho

Lodi si ate! Empleyado ng Sharp, 9 na taong walang absent sa trabaho

- Nakakabilib ang isang washing machine operator na walang mintis sa pagpasok sa trabaho sa loob ng 9 na taon

- Naipon na ang kanyang mga leave dahil sa di niya rin halos nagagamit ang mga ito

- Sa loob ng 29 taon niya sa trabaho, di rin siya nali-late at pumapasok pa siya ng 30 minutes o isang oras bago ang simula ng kanyang shift

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na kahanga-hanga si Elen Escueta, empleyado ng Sharp Philippines na wala ni isang absent o pagliban sa trabaho sa loob ng 9 na taon.

Ayon sa Philippine Star na siyang nakapanayam ni Elen, 29 taon nang nagtatrabaho bilang washing machine operator ang empleyado at kailanman ay di rin siya na-late o nahuli sa pagpasok.

Kwento ni Elen, gumigising siya ng 3:30 ng umaga upang maghanda pagpasok at aalis siya ng bahay bandang 5:00. Magta-time in siya, 30 minuto o 1 oras pa nga bago ang kanilang shift.

Ayon din sa supervisor ni Elen, sadyang masipag at maabilidad na empleyado ito. Kahit sa anumang tungkulin o trabaho ito ilagay, nagagampanan niya ito ng maayos at hindi rin ito mahirap pakisamahan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sadyang dedikado sa trabaho si Elen. Katunayan, bukod sa di pag-absent at pagpasok lagi ng maaga, pag may oportunidad, sinusunggaban pa niyang mag-overtime. Para sa kanya, wala siyang sinasayang na oras dahil sayang ang maaring kitain dito.

Kapag masama ang panahon, nakahanda na ang kanyang bota at plastik at pilit parin siyang papasok hangga't kaya.

Di rin naman niya pinababayaan ang kanyang kalusugan. Kung may nararamdaman siya ng kakaiba at di maganda, inuunahan na niya ito ng gamot at pahinga. Kinabukasan, maayos na muli ang pakiramdam, papasok na uli siya sa trabaho.

Naipon na rin ang leave ni Elen. Maging ang kanyang birthday leave ay pinagpapalit na lamang niya sa iba pang mas mahalagang araw gaya na lamang ng pagtatapos ng kanyang anak.

Sa araw naman na wala siyang trabaho, sinisiguro niyang magkaakroon siya ng oras para sa pamilya.

Masasabi ni Elen na masaya siyang pumapasok araw-araw dahil sa inspirasyon niya ang kanyang pamilya at maging ag kanya mismong trabaho. Nakakaramdam man daw ng pagod minsan, ngunit tinanggap niya ito ng buong buo kaya naman wal siyang pinagsisisihan dito.

Magsilbing aral at inspirasyon sana sa mga kabataan ngayon ang kasipagan at pagpupursige ni Elen. Madali man ngayong umayaw sa trabaho na naiatang sa atin, ngunit mas maganda kung ito ay ating payayabungin at pagyayamanin.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Si ate pa may sala? Misis, nahuli si mister at kabit sa hotel; nasisi pa ng netizens dahil sa katawan niya

Si ate pa may sala? Misis, nahuli si mister at kabit sa hotel; nasisi pa ng netizens dahil sa katawan niya

Si ate pa may sala? Misis, nahuli si mister at kabit sa hotel; nasisi pa ng netizens dahil sa katawan niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel