Flawless pa rin! Angelica Jones, inaming gustong bumalik sa showbiz

Flawless pa rin! Angelica Jones, inaming gustong bumalik sa showbiz

- Inamin ng dating Laguna Board Member na si Angelica Jones na na miss niya ang pag-aartista

- Matatandaang nahinto ang kanyang pag-aartista nang maging public servant siya sa Laguna

- Willing na daw muling tumanggap ng trabaho ngunit sana daw ay weekend sa kadahilanang may iba pa daw siyang ginagawa pag weekdays

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Namiss daw ni Angelica Jones ang pag-aartista. Ilang taon na din siyang hindi nakakagawa ng pelikula dahila naging busy siya sa kanyang pagiging public servant.

Isa sa pinakahuling malaking project na kanyang ginawa ay ang pelikulang Mr. Suave kasama si Vhong Navarro noong 2003.

Sa isang panayam naman ng PUSH, inamin ng aktres ang kanyang pagnanais makabalik sa showbiz.

“Opo, sobrang nami-miss ko ang showbiz,”

“Willing po akong tumanggap ng trabaho basta weekend lang po kasi may iba pa rin akong ginawa. Na-miss ko yung paghalakhak at saka sa showbiz kahit madaming intriga pero masaya,” sabi ng tinaguriang Ms. Flawless.

Ang nais niya daw sanang gampanan ay pagiging nanay o kapatid.

“Kung tatanggap ako ng role, siguro yung sister or mother role, basta serious role. Pero sa totoo lang, gusto ko pa ring gumawa ng comedy.

Naging malapit din sa kanya ang pagpapatawa kung saan siya unang nakilala.

“Alam n’yo kung bakit? Kasi first love ko talaga ang comedy. Sa tingin ko, binoto ako ng mga tao sa Laguna dahil sa pagiging komedyante ko. Don sila natuwa sa akin kasi napakadiretso kong magsalita sa kanila,” paglalahad niya.

Kung dati ay inaamin niyang ang tingin sa kanya ng karamihan ay aanga-anga, malaki diumano ang ipinagbago niya simula nang naging board member siya.

“Yung dati pong Angelica Jones, bago pumasok sa pagiging board member, sobrang kikay, aanga-anga. So nung naging board member ako in six years, ang dami ko pong natutunan. Ang laki po nang in-improve ko.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nabago na rin ang kanyang personality at pananamit dahil sa pagiging public servant niya.

“Tinatawag akong ‘Honorable Angelica Jones’ so pag honorable, kailangang honorable yung pakikipag-usap mo, honorable yung pananamit mo, honorable yung kilos mo.

Dagdag pa niya, kinailangan niya mag-aral para matuto.

“Parang ang hirap nga sa umpisa, eh, kasi galing ka sa pagiging komedyante. Tapos nag-aral po ako sa UP kung ano ba ang ginagawa ng isang board member, so do’n po naiba.

“Naninibago yung mga tao kasi nasanay sila na kikay ako. Pero pag nasa pulitika po ako, mahinhin yung ngiti ko. Pati kilos ko, may limitasyon na rin kasi may iniingatan na akong pangalan.”

Sa kasalukuyan ay karelasyon niya ang isang board member din ng Nueva Ecija na isa daw Christian.

“Nagdasal ako na sana bigyan ako ni Lord ng right man, tapos yon nga, dumating siya sa akin. Christian po siya, he’s very conservative and istrikto po siya.

Pag-amin pa ni Angelica tumino siya dahil sa nobyo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Teddy Corpuz breaks his silence on alleged disbandment of 'Rocksteddy'

Teddy Corpuz breaks his silence on alleged disbandment of 'Rocksteddy'

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel