Di lang 20%, 100%! Jeep sa Cubao, libre ang sakay araw-araw sa mga senior citizen

Di lang 20%, 100%! Jeep sa Cubao, libre ang sakay araw-araw sa mga senior citizen

- Viral ngayon ang post ng isang netizen tungkol sa jeep sa Cubao na libre ang sakay ng senior citizen

- Namangha ang netizen na nakilalang si Dhezz Solano Revilla-Rafanan sa driver at kahit di par siya senior nagpapasalamat siya sa tulong nito sa mga matatanda

- Umani rin ng papuri ang di pa nakikilalang driver dahil sa kanyang malasakit sa mga senior citizen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ng netizen na si Dhezz Solano Revilla-Rafanan kung saan kinunan niya ng larawan ang isang jeep na libre ang sakay kapag ang pasahero ay senior citizen.

Biyaheng Calumpang-Cubao raw ang jeep at pagsakay pa lamang dito, makikita na ang karatulang "Wala po bayad ang mga senior" at may kasama pa itong dalwang smiling face.

Di pa man daw senior citizen ang nagbahagi ng post na iyon ngunit laking pasalamat niya sa driver na naisipan niya ang ganitong pagtulong sa mga kababayan nating may-edad na.

Nakaka-good vibes daw na malaman na may ganitong klaseng tao na nagmamalasakit sa kanyang kapwa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maging ang ibang netizens na nakakita ng viral na post ay hinangaan ang driver na ito at sana pamarisan din ito ng ibang pumapasada tulad niya.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

"Salamat po at may ganitong jeepney driver na may malasakit sa mga SENIOR..'di kagaya ng iba KUPAL khit wala pa taripa kung maka singil ng pamasahe sobra,walang patawad"
"Wow..God bless you kuya.salamat sa mga kagaya mo.nkkaproud maging pinoy.maraming blessings na darating sayo at sa pamilya mo.mabuti kang tao."
"pero dapat kahit na may nakapaskil na Libre ang Senior..magpasalamat parin sa driver for his great Humanitarian act..Baka naman kumo nakita na Libre di na magpaparamdam at ba baba nalang ng basta...your Big Thankyou mean a lot more to the driver.masaya na sya nun pag narinig nya yung Thankyou."
"saludo po ako sayo manong driver sa mahal nang gasolina ngayon may pa promo kapa,gudhealth and godblez po sa pamilya mo ang dios na po ang magbabayad sa kabutihang ginawa mo..."
"Maraming mattuwang senior citezen .. Sana lahat ng driver ganyan.. Pero magbbyad pa rn yong tama lang.. God bless you kuya.. More blessing to come.. Ingat po kayo lagi"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mother allegedly hurts daughter for sleeping in the jeepney, netizen comes to her defense

Mother allegedly hurts daughter for sleeping in the jeepney, netizen comes to her defense

Mother allegedly hurts little girl for sleeping in the jeepney, netizen chose to defend the helpless girl
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel