Dalagang "ate ng taon", nilahad ang totoong rason ng pagdadala ng manok sa eskwela

Dalagang "ate ng taon", nilahad ang totoong rason ng pagdadala ng manok sa eskwela

- Nag- viral ang larawan ng isang dalagitang nagdala ng totoong manok sa eskwela

- Binansagan siyang "ate ng taon" dahil sa pinaniniwalaang alaga raw ito ng kanyang ama at dahil sa walang mag-aalaga dito ay minabuti niyang dalhin ito sa eskwela

- Inalam ng GMA news ang totoong kwento sa kabila ng viral post na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Laugh trip daw ang post ni Radin Tagarino kung saan isang dalagitang naka-uniporme ang nagpapakain sa dala niyang buhay na manok sa eskwela.

"Yung umalis papa mo walang magbabantay sa kapatid mo. *Ate ng taon*" ang caption ng post. Pinalalabas na dahil wala ang ama ng dalagita na siyang may-ari ng manok, minabuti nitong dalhin sa paaralan upang maalagaan.

Ngunit napag-alaman ng GMA news na di pala ito ang totoong kwento sa kabila ng viral na larawan.

Rebecca Paula Cruz ang pangalan ng dalagita na nag-aaral sa Sto. Cristo National High School. Kwento niya, kailangan sa school play nila ito sa school play kaya naisipan niyang totoong manok ang dalhin.

“Para po maging mas maganda ‘yung play. Kaya naisip namin po na magdala na lang po ng original na manok,” paliwanag ni Rebecca.

Contest pala ang presentation nila Rebecca at tila naging swerte pa ang manok dahil nakuha nila ang 3rd place.

Samantala, ang post ng larawan na si Radin ay student teacher ni rebecca. Napansin lamang niya kung paano inalagan ng dalagita ang manok kaya naisipan niya itong i-post at lagyan ng makulit na caption.

“Just for fun lang po ‘yung caption. No harm intended po ‘yung caption,”paliwanag ni Radin.

Umani ng nasa 66k like at reaction, 76.7k shares at 9.5k na komento na ang naturang post sa Facebook.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Sen. Hontiveros files a bill seeking “absolute divorce” in Philippines

Sen. Hontiveros files a bill seeking “absolute divorce” in Philippines

Sen. Hontiveros files a bill seeking “absolute divorce” in Philippines
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel