Pinoy Pride! 24 Filipino stars na umeksena o bumida sa international scene

Pinoy Pride! 24 Filipino stars na umeksena o bumida sa international scene

Heto raw ang 24 Filipino stars na hindi lang bumida o umeksena sa Philippine Entertainment pero umagaw-pansin din sa international scene.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted nga ng KAMI ang 24 Pinoy celebs na ito and more na dapat nating ipagbunyi o ipagmalaki.

Sila ang mga Pinoy stars na nagkaroon umano ng international exposure sa television shows, movies, theater, music, at sa iba pang aspeto, in no particular order.

1. Manny Pacquiao

Sumikat ng husto si Pambansang Kamao at senador Manny Pacquiao dahil sa boxing.

Nagkaroon siya ng maraming tagahanga sa buong mundo.

Pati ang mga Hollywood A-listers ay faney din niya.

Kaya naman ilang ulit na bumida si Senator Manny sa mga TV shows sa Amerika at ang pinakahuli ay ang kanyang speech sa OXBRIDGE, University of Oxford and University of Cambridge.

2. Jake Zyrus

Bago pa makilala siya ngayon bilang si Jake Zyrus, umeksena siya sa international scene bilang si Charice.

Una muna siyang inimbitahan ni Ellen DeGeneres hanggang umabot na siya kay Oprah Winfrey, and the rest ay ika nga ay history.

Nakasali rin siya sa sikat noon na TV show na Glee at nagkaroon ng cameo appearance sa 'Alvin and the Chipmunks: The Squeakquel.'

3. John Arcilla

Ang award-winning aktor na makikita ngayon sa FPJ's Ang Probinsyano na si John Arcilla ay nagkaroon ng supporting role sa 'The Bourne Legacy,' noong 2012, bilang isang security guard at naka-eksena niya rito ang mga Hollywood stars na sina Jeremy Renner at Rachel Weisz.

4. Xian Lim

Naging boses daw si Xian Lim sa domestic release ng pelikulang Paddington.

5. Rachelle Ann Go

Naging broadway star si Rachelle Ann Go bilang si Gigi Van Tranh sa West End bersyon ng Miss Saigon, at ngayon, nasa sikat at highly watched ng mga theater at Hollywood stars gaya na Hamilton.

6. Andrea Torres

Noong 2015, bumida si Andre Torres sa isang Cambodia film na Blood In Dispute.

7. Mikael Daez

Kasama rin ni Andrea Torres si Mikael Daez sa naturang Cambodian film.

8. Jazz Ocampo

Bumida naman si Erika ng Kapuso Primetime TV series My Special Tatay sa 'The Origin of Santet,' isang Indonesian film.

9. Kuh Ledesma

Nakasama raw ni Kuh Ledesma si Mel Gibson sa pelikulang The year of Living Dangerously nooong 1983.

10. Bembol Roco

Sa naturang pelikula ni Mel Gibson ay nakasama rin pala ang batikang aktor na si Bembol Roco.

11. Jericho Rosales

Si Lino ng Halik ay naging paret rin daw ng isang American drama romance film na may pamagat na 'Subject: I Love You' at kasama rin daw dito sina Apl de Ap, Gary Valenciano, Tirso Cruz III, at, Joel Torre.

12. Victor Neri

Nakasama daw si Victor Neri sa Brokedown Palace na pinagbibidahan nina Claire Danes, Kate Beckinsale, at Paul Walker.

13. Aicelle Santos

Si Aicelle ay kasama sa UK tour production ng Miss Saigon bilang si Gigi.

14. Ejay Falcon

Bumida rin ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Ejay Falcon sa Korean drama series na Where Stars Land.

15. Lauren Young

Kasama rin ni Ejay Falcon si Lauren Young.

16. Pia Wurtzbach

Pagkatapos tanghaling 2015 Miss Universe ay todo ang eksena ni Pia Wurtzbach sa mga TV shows sa Amerika at sa mga fashion shows.

17. Anne Curtis

Bumida naman ang It's Showtime host Anne Curtis sa Hollywood sa isang independent film na Blood Ransom.

18. Christian Bautista

Sumikat naman ng husto umano si Christian Bautista sa Indonesia dahil sa kanyang mga kanta.

Kaya naman naging Asia's Romantic Balladeer ito.

19. Iza Calzado

Bumida naman si Iza Calzado sa remake ng pelikula niyang Sigaw sa Hollywood na The Echo.

20. Heart Evangelista

Ang Darling of the Philippines na si Heart Evangelista ay naging kilala sa international fashion scene.

Sa katunayan, kamakailan lang ay isa siya sa mga panauhin ng Harper's BAZAAR ICONS Party, kung saan nakarubbing elbows lang naman niya ang mga Hollywood stars.

21. Maymay Entrata

Kamakailan lang din naman ay naging kauna-unahang Pinay na rumampa ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Maymay Entrata sa Arab Fashion Week.

22. Kelsey Merritt

Si Kelsey Merritt naman ay ang kauna-unahang Pinay na rumampa sa isang malaki, most watched, at highly anticipated fashion show sa buong mundo ang Victoria's Secret Fashion Show.

23. Kris Aquino

Bago pa man ang super sikat na Hollywood film na Crazy Rich Asians, bumida na daw si Queen of All Media na si Kris Aquino sa box office Hong kong comedy film na Happy Ghost V.

Siya raw ang naging leading lady ni Raymond Wong.

24. Lea Salonga

At sinong makakalimut sa karangalan na dinala ng international music superstar at Tony awardee na si Lea Salonga.

Sinasabi na siya raw ang nagbukas ng pintuan para sa mga aspiring Pinoy stars na gustong etry ang kanilang luck sa international scene.

Una naming naispatan ang listahan sa GMA News Online.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang sexy naman kasi! Celebrities react to Mikee Quintos' blazing beach photo

Ang sexy naman kasi! Celebrities react to Mikee Quintos' blazing beach photo

Ang sexy naman kasi! Celebrities react to Mikee Quintos' blazing beach photo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel