Pinay OFW, nagulungan ng armored van sa Maynila

Pinay OFW, nagulungan ng armored van sa Maynila

-Sa isang barangay sa Malate Maynila isang babae ang nagulungan ng isang armored van

-Ang biktima isa palang OFW agad na isinugod sa malapit na ospital

-Ang insidente nakuhanan pa ng video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang CCTV footage makikita kung paanong nasagasaan at nagulungan ang isang babae ng isang armored van.

Ang insidente nangyari sa isang barangay sa Malate sa Maynila.

Ayon sa ulat ng GMA news, katatawid lamang ng biktima na napag-alamang isa pa lang overseas Filipinol worker (OFW) nang padapa itong nabuwal sa daan na ayon na rin sa kuha ng CCTV.

Nang mabuwal ito ay naararo pa ito nang umabante ang armored van. Makikita sa video na umangat pa ang armored van.

Ang biktima nagulungan at pumailalim na dito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naisugod pa umano ang biktima sa ospital ngunit kalaunan ay pumanaw rin.

Habang ang driver ng armored van ay nakulong daw ayon sa pahayag ng kapitan ng barangay kung saan nangyari ang insidente.

Nagbigay naman ng babala ang kapitan kaugnay ng aksidenteng ito.

"Parehas may mali eh. 'yung babae nagmamadali siguro, hindi siya napansin. Ang armored car kasi, limited din ang kuan no'n (view) sa harapan e. Pinakamaganda talaga ang jaywalker at saka ang mga driver, parehong mag-iingat." anito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
PH now ranks as the 69th happiest country on earth

PH ranks as the 69th happiest country on earth, 3rd in Southeast Asia

PH ranks as the 69th happiest country on earth, 3rd in Southeast Asia
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel