20-anyos graduating student, agaw-buhay matapos mabangga ang sinakyang Grab

20-anyos graduating student, agaw-buhay matapos mabangga ang sinakyang Grab

-Magtatapos na sana si Marko de Guzman isang mechanical engineering student mula sa UST sa susunod na taon

-Ngunit agaw-buhay ito ngayon matapos na mabangga ang sinasakyan nitong Grab

-Umaapela naman ang kanyang pamilya dahil bigla na lamang daw huminto sa pakikipagugnayan sa kanila ang driver

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mag-iisang buwan na sa ospital si Marko de Guzman simula nang maaksidente ito noong madaling araw ng October 26.

Agaw-buhay pa rin ang 20 taong gulang na ga-graduate na sana sa susunod na taon sa kursong mechanical engineering sa University of Santo Tomas.

Nabunggo ang sinasakyang Grab car nito ng isa pang kotse at tumama sa isang scaffolding nang biglang kumabig ang Grab driver sa Bandang Taft Avenue 4 ng umaga.

Ligtas ang driver ngunit si mark ay humampas ang ulo sa scaffolding na tumuhog sa bintana ng sinasakyan nito.

"So hindi na niya makilala ang mommy niya. He lost a fist-size of his brain. The doctors called it the language center of the brain," ayon sa tiyahin nito na si Isabelita de Guzman Oclasia, sa isang panayam sa GMA News.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kwento naman ng ina ng biktima na si Luz Lourdes De Guzman, nakausap nito ang driver ng Grab at sinabing, "Pasensya na po, kasi inantok po ako."

Ayon sa GMA News nais isapubliko ng pamilya ang nangyari lalo pa at tumigil na daw sa pakikipagugnayan sa kanila ang Grab driver.

Nakausap na rin nila ang Grab ngunit hindi nila matanggap ang pahayag nito.

"Sinabi na nila sa'min that hindi nila pagmamay-ari ang kotse, hindi nila direct employee si Grab, so wala silang pananagutan," ayon kay Oclasia.

"So from P100,000, they did go up sa price but it was still unacceptable. Basically they were just offering us the insurance of the car," dagdag nito.

Haharap sa kasong reckless imprudence resulting to physical injuries ang Grab driver at ang driver ng kotseng nakabunggo sa sinasakyan ni Marko.

Wala pang inilalabas na pahayag ang Grab kaugnay nito.

Ayon sa website ng Grab, na sa policy ng personal insurance covered nito ang mga Grab drivers at passengers na may valid GrabCar booking.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
PH now ranks as the 69th happiest country on earth

PH now ranks as the 69th happiest country on earth

PH ranks as the 69th happiest country on earth, 3rd in Southeast Asia
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel