Pamilyang natutulog, niresbakan ng umano'y pulis na kaaway nila

Pamilyang natutulog, niresbakan ng umano'y pulis na kaaway nila

-Patay ang mag-anak kabilang ang isang menor de edad nang pagbabarilin ang mga ito sa kanilang tahanan

-Ayon naman sa mga kaanak ang pulis na nakaalitan ng mga ito ang siyang may motibo para gawin ang karumal-dumal na krimen

-Patuloy naman ang pagsisiyasat ng mag pulis sa kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Karumal-dumal ang sinapit ng isang mag-anak sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City na pinagbabaril at namatay sa mga tama ng bala habang sila ay natutulog sa kanilang tahanan.

Kabilang sa biktima ang 10 atong gulang na si Romeo Jr. ang ama nito na si Romeo Ado at asawang si Christine.

Isang ginang na kapitbahay ng mga biktima ang nagsabing nakarinig sila ng mga putok ng baril.

"Narinig ko 'yung maraming putok tapos humiga ako pero sunod-sunod kaya lumabas ako uli kasi baka nakatambay 'yung mga anak ko," anito.

Ayon pa sa ilang residente, hindi bababa sa 10 putok ang kanilang narinig.

Hinala ng ilang kapamilya ng mga biktima, ang pulis na nakaalitan ng mga ito at nagbanta umanong babalikan sila ang may motibong gumawa ng krimen.

Ayon kay Babellyn, kapatid ni Christine, nagsimula ang alitan ng mga ito nang igiit daw ng pulis na ginagamit ang bahay ng mga Ado sa pagbatak ng droga.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Idenemanda na rin daw ito ni Christine dahil sa panunutok ng baril.

"May nagsabi po na 'yung bumalik daw po rito 'yun daw po 'yung inireklamong na pulis. 'Yun po 'yung dinemanda ng kapatid ko na tinutukan siya ng baril dito," anito.

Sa isang panayam ng GMA News, sinabi ng pulisya ng iimbestigahan pa nila ang kalunos-lunos na krimen.

"Medyo mabigat ito siguro may galit itong suspek na ito dahil pinagbabaril na lang at pati 'yung bata idinamay," ayon kay Supt. Rodrigo Soriano, Masambong Police Station Commander.

Pitong basyo ng bala mula sa 9mm ang nakuha ng SOCO sa pinangyarihan at ayon sa inisyal na imbestigasyon, malapitang binaril ang mga biktima.

Naglakad lamang din daw ang suspek paalis sa lugar.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sen. Hontiveros files a bill seeking “absolute divorce” in Philippines

Sen. Hontiveros files a bill seeking “absolute divorce” in Philippines

Sen. Hontiveros files a bill seeking “absolute divorce” in Philippines
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel