Isang maling akala! Pagluluha ng bata, di-alam sintomas na pala ng kanser at hindi 'sore eyes lang'

Isang maling akala! Pagluluha ng bata, di-alam sintomas na pala ng kanser at hindi 'sore eyes lang'

- Isang ina ang nagbahagi ng nangyari sa kanyang anak matapos ng maling akala tungkol sa pagluluha nito

- Akala niya kasi ang dinadanas ng bata ay produkto ng sore eyes o di kaya'y sipon

- Di niya alam, may kanser na pala ang sakit ng 4-taong-gulang na anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minsan, di pinapansin ng mga magulang ang mga simpleng "karamdaman" ng kanilang mga anak.

Kalimitan iniisip nilang ito'y mga normal na sakit na nararamdaman ng mga bata.

Ito na marahil ang isa sa mga pinakamasakit na nangyari sa isang ina kung saan inakala niyang ang pagluluha ng anak ay sanhi ng sore eyes o simpleng sipon.

Nalaman ng KAMI na ang isang 4-years-old na batang si Harri ay nagluluha ang mga mata.

Nakita ito ng ina pero akala niya sore eyes lang daw o di kaya'y sipon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang lumala na ang kondisyon ng bata kung saan namaga na ang kanyang mukha, dito na nagpasya ang inang dalhin siya sa doktor.

Ayon sa report ng Asian Parent, nalaman nilang may kanser na tinatawag na Ewing Sarcoma si Harri.

Ito ay isang uri ng kanser sa buto na tumutubo na sa ilalim ng mga mata nito.

Nag-undergo ng 14 na chemotherapy si Harri at sa kabutihang palad ay nasa remission na ang kanser niya ngayon.

Si Harri Cooke ay nagpagamot sa Florida, USA. Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita kay Harri noon at nung mag-chemo na siya.

Isang maling akala! Pagluluha ng bata, di-alam sintomas na pala ng kanser at hindi 'sore eyes lang'
Isang maling akala! Pagluluha ng bata, di-alam sintomas na pala ng kanser at hindi 'sore eyes lang' (Photo: DailyMail)
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)