Nagsalita na ang mga netizens sa nais ni Pangulong Duterte na ibalik ang ROTC

Nagsalita na ang mga netizens sa nais ni Pangulong Duterte na ibalik ang ROTC

- Gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte nag awing mandatory muli ang ROTC

- Para rin daw ito sa pagiging handa ng bansa sa giyera kung sakali man

- Subalit, hati naman ang mga netizens sa issue na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Para kay Pangulong Rodrigo Duterte, dapat lang daw na muling ibalik ang sapilitang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa Grade 11 at 12. Nalaman ng KAMI sa GMA News na para kay Pangulong Duterte, magiging tulong daw ito kung sakaling magkaroon ng giyera sa Pilipinas.

Aniya, "I likewise encourage Congress to enact a law that will require mandatory ROTC for Grades 11 and 12 so we can instill patriotism, love of country among our youth.”

"You have a duty to perform to your country when you grow up. It is your duty to defend the identity and the preservation of the Republic," dagdag pa ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo ito sa harap ng military noong isinagawa ang 35th founding anniversary ng Army Reserve Command (ARESCOM) sa Camp Regio de Dios sa Cavite.

“Lahat ng bayan sa buong mundo, lalo na Israel, mag-training ka talaga,” giit ni Pangulong Duterte.

“We are not the only generation who will be soldiers. Ang mga anak natin, kung ‘di mo gawin, walang alam kung magkaupakan,” dagdag niya pa ayon sa balita ng ABS-CBN News.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, hati naman ang mga netizens sa nais ni Pangulong Duterte na ito. Narito ang mga komento nila sa Facebook page ng GMA News at ABS-CBN News:

“I hope it will be implemented so that youth today will be disciplined.”
”Tama yan! Mas intense pa sana para ung mga pacool kid at lalampa lampa na millenials eh matuto ng disiplina at tamang asal”
“oo naman! its normal for countries to ask their citizens to have some military training as reservists...”
“Pwede naman po...pero make sure na walang hazing at pang aabusong mangyayari...at igalang ang religious belief ng mga estudyante...”

Pero, tila may iba rin na hindi sangayon dito.

“Patriotism is not only for the youth..... it is our responsibilty as a Filipino especially government officials and the President should exemplify it, as our leader you shall exercise through words and actions!!!”
“Bago yan.. balik niyo muna Philippine History sa Grade 7... at paki strenghten ang GMRC in all grade levels... dapat nga may Phil Constitution sa high school and college since component un ng Civil Service Exam”
“ROTC was scrapped due to rampant corruption & hazing & death of cadet.”

Noong 2002 nga sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay ginawang ‘optional’ at ‘voluntary’ ang pagsali ng mga estudyante s ROTC ayon sa RA 9163 o National Service Training Program (NSTP). Isa ang ROTC sa components ng NSTP, kasama rin dito ang Literacy Training Services at Civil Welfare Training Service.

POPULAR: Read more news about President Duterte!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Girls' Generation - Gee: Our Zero-Budget Version | Your favourite old school Korean pop song Gee by Girls Generation from 2007. We love classics! Check out our remake – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
PH now ranks as the 69th happiest country on earth

PH now ranks as the 69th happiest country on earth

PH ranks as the 69th happiest country on earth, 3rd in Southeast Asia
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel