Isang foreigner ang nagviral matapos itulak at sigawan ang traffic enforcer sa Makati

Isang foreigner ang nagviral matapos itulak at sigawan ang traffic enforcer sa Makati

- Nagviral ang isang Turkish national matapos nitong makaalitan ang isang enforcer

- Ayon pa sa incident report ay wala raw lisensya ang foreigner

- Kinasuhan naman daw ito ng assault at kinulong sa Makati Police Station

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kumalat sa social media ang video ng isang Turkish national na makikitang itinulak at sinigawan ang isang traffic enforcer sa Makati. Nalaman ng KAMI na ayon din daw sa incident report ng Makati City Police ay wala raw lisensya ang foreigner.

Ayon sa report ng ABS-CBN News ay base sa kwento ni Makati Public Safety Department enforcer Michael Orcino, nasanggi raw ng Turkish na si Ibrahim Yuksel ang motorsiklo niya. Kaya naman hinarang daw ng enforcer ang motorsiklo niya sa harap ng kotse ni Yuksel upang hindi makatakas.

Bagamat sinubukan tumakas ay bumaba raw ng sasakyan si Yuksel at doon niya na pinagtututulak at pinagsisisgawan ang enforcer. Tinaggal din daw ng foreigner ang motorsiklo sa harap ng kotse niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi ng isang witness ay tuloy-tuloy daw ang pagtakbo ng kotse ni Yuksel kahit naka-red light na. Ayon din sa balita ay sinubukan daw patakasin ng kasamang Pinoy na si Felix Pancha ang foreigner.

Kaya rin daw nag-init ang ulo ng Turkish ay dahil sa “language barrier”. Nasanggi raw nila ang salamin ng motorsiklo dahil kinailangan nilang lumipat ng lane bago pa masanggi ng bus.

Kasalukuyan naman daw nakakulong si Yuksel sa Makati Police Station at kinasuhan ng assault.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Girls' Generation - Gee: Our Zero-Budget Version | Your favourite old school Korean pop song Gee by Girls Generation from 2007. We love classics! Check out our remake – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel