Chinese Coast Guard, pinaalis ang Pinoy news crew sa Scarborough Shoal

Chinese Coast Guard, pinaalis ang Pinoy news crew sa Scarborough Shoal

- Magsasagawa dapat ng interview ang isang Pinoy TV crew sa Scarborough Shoal

- Ngunit hindi sila pinayagan ng Chinese Coast Guard na gawin ito at pinaalis sila

- Giit ng reporter ay parte pa rin naman daw ng exclusive economic zone ng Pinas ang lugar na iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nais sanang magsagawa ng isang interview ng mga reporter ng GMA Network sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal para sa programang Reporter’s Notebook. Subalit, nalaman ng KAMI na hindi naging matagumpay ang plano nilang ito noong November 8.

Ayon sa TV crew ng GMA, noong papalapit na sila sa shoal ay agad na may dalawang speed boat ang sumalubong sa kanila. Pinaalis daw sila ng Chinese Coast Guard sa Scarborough Shoal. Kailangan daw muna ng permiso mula sa China bago sila magsagawa ng interview doon.

“Without the permission of China, you cannot carry out the interview here,” sabi raw ng isang miyembro ng Chines Coast Guard sa reporter na si Jun Veneracion.

Bwelta naman ni Veneracion, “But this is within the exclusive economic zone of the Philippines.”

Subalit, hindi pa rin sila pinahintulutan ng Chinese Coast Guard at sabi pa raw nila, “If you don’t leave here, we will make a forced matter.”

Kaya naman, umalis na raw ang TV crew doon at talagang sinigurado raw ng Chinese Coast Guard na nakalayo na sila bago rin sila umalis. Pinilabas daw ang episode na 'to ng Reporter's Notebook noong Huwebes, ilang araw matapos ang pagbisita ng Chinese president sa Pinas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang Scarborough Shoal (Panatag Shoal) nga ay parte ng South China Sea o West Philippine Sea. Bagamat pwede raw mangisda ang mga Pilipino sa shoal ay hindi pa rin sila pinayagang magsagawa ng interview dito.

Samantala, una na ngang naibalita ng KAMI na kamakailan lamang ay winelcome ng Pilipinas si Chinese President Xi Jinping para sa kanyang two-day state visit. Naibalita rin na nasa 29 deals daw ang napirmahan ng China at Pilipinas noon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Girls' Generation - Gee: Our Zero-Budget Version | Your favourite old school Korean pop song Gee by Girls Generation from 2007. We love classics! Check out our remake – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel