Babala! Pinag-iingat ng pulisya ang publiko sa ‘abot-papel’ modus

Babala! Pinag-iingat ng pulisya ang publiko sa ‘abot-papel’ modus

- May paalala naman ang pulisya sa bagong kumakalat na modus ngayon

- Ang “abot-papel” modus ay laganap nga daw ngayon ayon sa pulisya

- Isiniwalat naman ng isang dalaga ang kanyang naging karanasan noong muntik na siyang mabiktima nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May bagong paalala ang pulisya sa publiko dahil may bago raw na modus ang kumakalat ngayon at tinawag nga itong ‘abot-papel’. Nalaman ng KAMI na may isang 18-anyos na dalaga ang muntik nang maging biktima ng modus na ito.

Ikinuwento ni Vallere Joy sa radio program ng DZMM na Lingkod Kapamilya ang kanyang karanasan sa Molino, Bacoor, Cavite. Ayon sa dalaga ay noong pauwi na raw siya ay may lalaking diumano ang sumusunod sa kanya. May inabot daw na papel ang lalaki.

“Yung una, nilingon ko lang siya kasi 'di ko siya kilala kaya dire-derecho lang ako sa paglalakad. Pero he insisted po, kinalabit pa niya ako para lang ibigay yung papel," giit ni Vallere.

“Tapos tinatanong niya kung nabasa mo na ba? Basahin mo na. Sinagot ko siya na hindi pa kuya malabo kasi ang mata ko, madilim,” dagdag niya pa.

Nang masilip ni Vallere ang papel sa isang maliwanag na lugar, nabasa niya raw na, “Wag kang sisigaw. Kapag sumigaw ka, babarilin kita sa ulo.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kinabahan na raw si Vallere. Buti na lang ay may bukas pang gasolinahan sa lugar kaya doon siya pumunta para humingi ng tulong.

“Umiiyak na po ako. Inabot ko po yung papel then tinuro ko yung lalaking sumusunod sa akin. Then pagtingin namin sa kaniya nakatingin pa rin siya talaga tapos prente lang siyang naglalakad na parang wala siyang ginawang masama," sabi ni Vallere.

Kaya naman, pinag-iingat ni Superintendent Vicente Cabatingan ng Bacoor Police ang publiko sa ganitong modus.

"Kaya nila pinapadaan sa letter para hindi sila maka-attract ng attention doon sa ibang passersby," sabi ni Cabatingan.

“Pag mayroong lumapit sa inyo na hindi nyo naman kakilala, ‘wag n'yo na i-entertain. Pag meron siyang iaabot, wag n'yo nang basahin. Bilisan n'yo na lang ang paglalakad," dagdag niya pa.

Sa dating ulat naman ng KAMI, nauuso na rin ang “cash on delivery” na modus sa mga mahilig umorder online. Sinasamantala diumano ng mga kawatan ang trend na ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! WHAT is PMS? Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy are still confused in joining showbiz officially

Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy are still confused in joining showbiz officially

Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy are still confused in joining showbiz officially
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel