Isang kongresista, sakay-sakay ng helicopter na nahulog sa bangin

Isang kongresista, sakay-sakay ng helicopter na nahulog sa bangin

- May isang helicopter daw na nahulog diumano sa isang bangin sa Tarlac

- Sakay-sakay ng helicopter na ito ang isang kongresistang si Rep. Anthony Bravo

- Ligtas naman daw lahat ng pasahero subalit naputulan ng isang braso ang isang crew ng helicopter

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang helicopter daw ang nag-crash at nahulog sa bangin sa Capas, Tarlac ngayong Miyerkules ng hapon. Nalaman ng KAMI na may lamang 12 na pasahero ang helicopter at isa sa mga ito ay ang kongresistang si Coop-NATCCO partylist Rep. Anthony Bravo base sa report ng Manila Bulletin.

Ayon sa balita ng GMA News ay ligtas naman daw si Bravo at iba pang pasahero. Pero sabi daw ni Colonel Arthur Baybayan, ang sergeant-at-arms ng Commission on Appointment, naputulan daw ng isang braso ang isang crew ng helicopter.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Kasama si Congressman Bravo, yung secretary general ng House [of Representatives], tapos ako, tapos may iba pa," giit ni Baybayan. Dagdag niya pa, papunta raw sila s Crow Valley Gunnery Range.

Kasalukuyang inoobserbahan pa rin ang mga ibang pasahero sa ospital ngayon.

Ayon kay dating House Secretary General Cesar Pareja, nagtamo rin daw siya ng onting galos katulad ng mga ibang pasahero. Nagkaroon din daw ng sugat sa ulo ang piloto.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! WHAT is PMS? Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sen. Hontiveros files a bill seeking “absolute divorce” in Philippines

Sen. Hontiveros files a bill seeking “absolute divorce” in Philippines

Sen. Hontiveros files a bill seeking “absolute divorce” in Philippines
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel