Bride na may leukemia, pumanaw ilang minuto bago ang kanyang kasal

Bride na may leukemia, pumanaw ilang minuto bago ang kanyang kasal

-Ilang minuto bago ang kasal ng bride na si Xiao Hui sa kanyang groom na si Yang Feng, pumanaw ang dalaga

-Ang bride ay mayroong leukemia at nang lumala ang kondisyon nito ay napagdesisyunan nilang magpakasal ng nobyo

-Hindi man natuloy ang kasal, nagawa namang isuot ng groom ang kanilang wedding ring sa huling hininga ng kanyang bride

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa Henan Cancer Hospital sa Central China sana magaganap ang kasal nina Xiao Hui, 32 taong gulang at Yang Feng, 27 taong gulang.

Ngunit ilang minuto bago ang nakatakdang oras ng kasal, pumanaw si Hui dahil sa sakit na leukemia.

Ayon sa report, 24 pa lang si Hui nang ma-diagnose ito na may leukemia.

2 taon na silang mag-nobyo ni Yang nang siya ay nasa may stable pang kondisyon.

Isang delivery man si Yang at halos lahat ng kanyang sweldo ay inilalaan niya sa pagpapagamot ng nobya.

Ngunit nitong August, lumala ang kondisyon ni Hui kung kaya nagdesisyon ang dalawa na magpaksal na sa kabila nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang kanilang istorya ay kumalat sa social media sa China. Isang wedding shop na isa sa na-touch sa istorya ang nagdonate ng flowers, dress at. photographers.

Araw ng Linggo, nakahanda na ang kanilang kasal sa mismong ospital kung saan naka-confine ang dalaga.

Ang kwarto ng dalaga ay dinekorasyunan ng mga bulaklak at may nakahandang wedding dress para rito.

Habang sa kabilang kwarto naman ay naghahanda na rin ang groom.

Maging ang ilang mga bisita at mga reporters at naghihintay na rin.

4:30 ng hapon at halos patapos na ang paghahanda para sa kasal, naging kritikal ang lagay ni Hui. Mabilis itong dinaluhan ng mga doktor at mga nurse.

5:10 ng hapon, inanunsyo ni Yang na hindi na matutuloy ang kasal at agad bumalik sa tabi ng nobya.

Isinuot nito ang wedding ring sa daliri ni Hui at makalipas ang ilang sandali ay pumanaw na ang dalaga.

“I didn’t want her to leave alone,” ani Yang. “There’s no marriage license, but she’s my soulmate.”

Source: South China Morning Post

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kylie Padilla gets punched in the face by stuntman during taping

Kylie Padilla gets punched in the face by stuntman during taping

Kylie Padilla gets punched in the face by stuntman during taping
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel