Jimmy Bondoc, nahaharap sa matinding dagok matapos looban ang kaniyang bahay

Jimmy Bondoc, nahaharap sa matinding dagok matapos looban ang kaniyang bahay

- Naging target ng kawatan ang bahay sa Quezon City ng singer na si Jimmy Bondoc

- Nakuha sa CCTV ang nangyaring panloloob ng isang lalaki

- Ayon kay Jimmy, natangay maging ang isang alaala niya sa amang kapapanaw lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Walang habas na pinagtatangay ng isang lalaki ang mga importanteng gamit sa bahay ng singer at songwriter na si Jimmy Bondoc sa Quezon City noong November 20 ng madaling araw.

Nalaman ng KAMI na nahuli sa CCTV ang mismong akto ng panloloob at pagnanakaw sa mga gamit ng sikat na musician.

Kasama ng lalaki ang isang babae na nagsilbi diumanong lookout ng kawatan kung sakaling may taong makakahalata sa kaniya

Nakuha mula sa bahay ang ilang mga gadgets katulad ng laptop at isang DSLR camera na pagmamay-ari pa ng ama ni Jimmy na kapapanaw lamang.

Kaya naman ganon na lang ang panghihinayang ng singer lalo na sa nasabing camera dahil nandoon diumano ang mga alaala niya sa kaniyang tatay.

"Pag pasok niya nag-ikot-ikot siya, kinuha 'yong laptop ng younger sister ko, pero pinakamasakit sa lahat kinuha niya 'yong camera ng daddy ko," pahayag ng celebrity.

"Nandoon pa naman 'yong mga laman ng pictures na huli niyang mga kuha," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang ipinagpapasalamat na lang ngayon ni Jimmy ay ang hindi pagpapang-abot ng mga kawatan at ng kaniyang ina na dalawang minuto lamang ang naging pagitan bago lumabas sa lumang bahay.

Kung nagkataon daw ay maaaring masaktan pa o malagay sa panganib ang kaniyang mommy.

Pinag-aaralan na ngayon ng pulisya ang kopya ng CCTV upang mapanagot ang mga kriminal na nanloob sa bahay ng singer.

Narito ang video:

Sa nakaraang ulat ng KAMI, binuweltahan ni Jimmy ang website na Inquirer.net dahil sa viral na social media post nito

Si Jimmy, o James Patrick Romero Bondoc sa toong buhay, ay isinilang noong May 31, 1975. Siya ngayon ay isa sa mga opisyal ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Saan Aabot Ang Bente Pesos Mo? This question might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Scarlet Snow Belo wows the netizens with her excellent version of Catriona Gray's slow-mo twirl

Scarlet Snow Belo shows off her version of Catriona Gray's slow-mo twirl

Scarlet Snow Belo wows the netizens with her excellent version of Catriona Gray's slow-mo twirl
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel