Paulit-ulit! Dina Bonnevie, isiniwalat paano niya nahuli ang pambababae ng ex-husband

Paulit-ulit! Dina Bonnevie, isiniwalat paano niya nahuli ang pambababae ng ex-husband

- Inamin ngayon ni Dina Bonnevie na minsan na niyang naranasang mahuli ang isang ex-husband na nambababae

- Eto daw ay yung hindi mo sadyang hulihin pero tawag daw nang tawag

- Pinatawad pa raw niya ang nasabing ex-husband pero umabot siya sa puntong "napuno na ang salop"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umamin si Dina Bonnevie na naranasan niya yung ang asawa niya ay nambababae at kung paano niya nahuli ito.

Sabi ng 57-year-old na aktres, yun daw yung karanasan na di mo sinasadyang hulihin, pero tawag daw nang tawag.

Nalaman ng KAMI na nagawa niyang patawarin ang nasabing ex-husband pero ito raw ay umilit nang umulit.

Sa panayam sa batikang aktres sa PEP, sinabi ni Dina dahil sa pagpapatuloy ng kanyang ex na mangaliwa, nagdesisyon na lang siyang tuldukan ang kanilang relasyon.

"Minsan feeling nila naging masaya sila, only to realize na, 'Hindi, mas gusto ko bumalik sa dating bakod.'

"Kasi, di ba, the grass is always greener on the other side. You always want what’s not yours. You always want what the others have.

"Until you realize na, 'I was happy na pala with what I have before,'" saad ng aktres.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Wala raw kasi kakuntentuhan ang isang tao.

Dahil sa karanasang iyon, mas naging matalas ang radar niya pagdating sa pambababae ng isang lalaki.

Sabi ng aktres, "Konting ano pa lang, whoops!"

Dagdag pa niya, "Baliktad nga, e. Kapag sobrang bait ng asawa mo na tawag nang tawag sa 'yo, mag-isip ka na. Hahaha!"

Hindi na pinangalanan pa ni Dina kung sino sa mga ex-husband niya ang nanloko sa kanya.

Siya ngayo'y happily married kay Ilocos Sur First District Representative Deogracias Victor Savellano.

Si Dina Bonnevie ay isa sa mga respetadong aktres sa Pilipinas.

Ex-wife siya ni Vic Sotto at ni Penson.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
PH ranks as the 69th happiest country on earth, 3rd in Southeast Asia

PH now ranks as the 69th happiest country on earth

PH ranks as the 69th happiest country on earth, 3rd in Southeast Asia
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel