10 Pinoy celebrities na maagang pumanaw

10 Pinoy celebrities na maagang pumanaw

Karaniwan ng mas matindi ang lungkot at sakit kapag namatay ang isang tao sa murang edad sapagkat marami pa siyang bagay na dapat sana’y mararanasan pa.

Narito ang ilan sa mga sikat na artistang pumanaw ng maaga. Ang kanilang pagkamatay ay ikinagulat at pinagdalamhati ng buong sambayanan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

1. Teejay Cruz

Si Teejay ay pumanaw kahapon, November 21, 2018, sa edad na 37 dahil sa sakit na lymphatic cancer. Siya ay naging bahagi noon ng “Ang TV” at anak siya ng beteranong aktor na si Tirso Cruz III.

2. Franco Hernandez

Noong November 11, 2017, namatay ang 26-year-old Hashtag member nang malunod sa Davao Occidental dahil sa pagtaob ng sinasakyan na motorized boat.

3. Rizzini Alexis Gomez

Si Rizzini ay nanalo ng Miss Tourism International pageant noong 2012. Ngunit dahil sa sakit na lymphoma, binawian siya ng buhay noong 2015.

4. Rico Yan

Sikat na sikat si Rico nang mamatay siya noong 2002 habang nagbabakasyon sa Palawan. Acute hemorrhagic pancreatitis daw ang ikinamatay ng aktor.

5. Julie Vega

16 years old pa lamang si Julie nang siya ay pumanaw noong 1985. Ito raw ay dahil sa isang demyelinating disease at bronchopneumonia.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

6. AJ Perez

Ang teen Kapamilya star ay namatay sa edad na 18 noong 2011. Nasa loob siya ng isang van nang makasalpukan nito ang isang bus sa Tarlac.

7. Ramgen Revilla

Ang kapatid ni Bong Revilla Jr. ay binaril ng mga armadong lalake na nanloob sa kanilang tahanan. Nakaligtas ang kaniyang nobyang si Janelle Manahan sa pamamaril. Ang mga pinaghihinalaang suspects ay ang mga kapatid niyang sina Ramona at RJ Revilla.

8. Miko Sotto

Ang anak ni Ali Sotto ay pumanaw noong 2003 nang mahulog mula sa ninth floor ng isang condominium. 21 lamang siya nang siya ay namatay. Kasama niya sa loob ng unit si Oyo Sotto bago siya aksidenteng mahulog.

9. Halina Perez

Noong 2004, binawian ng buhay ang bold star nang masangkot sa isang car accident sa Camarines Sur. Ang 22-year-old na aktres ay kakagaling lamang sa isang event sa Legazpi City nang mangyari ang insidente.

10. Tyron Perez

Si Tyron ay nakilala nang sumali sa StarStruck competition. 26 pa lamang siya nang matagpuang patay sa loob ng kaniyang sasakyan noong 2011. Hinihinalang kinitil ni Tyron ang kaniyang sariling buhay.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson

Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson

Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel